Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa

God With Us

ARAW 3 NG 7

Makapangyarihang Diyos

Ang mga salita ng propetang si Isaias ay nagsimulang maisakatuparan sa isang sanggol. Si Jesus, na tinawag na Makapangyarihang Diyos, ay darating sa mundo, at ang Kanyang kapangyarihan ay babago sa lahat ng bagay.

Gumawa ng maraming himala si Jesus—binigyan ng paningin ang bulag, pinapayapa ang unos sa isang salita, at bumuhay ng patay. Nag-aangkin Siya ng kapangyarihan, lakas, at karunungang higit sa kaya nating maisip—Siya ay tunay na naghari, at naghahari sa bawat bagay.

Ngunit ang himala ng kapangyarihan ni Jesus ay hindi itinakda lamang sa Kanya. Sa Kanyang mga tagasunod, sinabi ni Jesus, "Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama." (Juan 14:12 RTPV05)

Ano kayang higit na gawain ang naiisip Niya na kaya nating gawin?

Si Pedro, isa sa pinakamalapit na tagasunod ni Jesus, ay tatlong beses itinangging kilala niya si Jesus, ngunit ginamit pa rin siya ng Diyos upang makapangaral ng pagbabalik-loob sa Pentekostes kung saan 3,000 ang naligtas. Si Pablo ay isa sa mga pinakamahigpit na taga-usig ng mga Cristiano, ngunit tinubos siya ng Diyos at ginamit upang lumaganap ang Mabuting Balita sa ibang bahagi ng mundo.

Habang ang mga himala ay nakamamangha at maaaring gawin pa rin ng Diyos, nakamamangha rin na tinawag Niya tayo upang buksan ang mga mata ng mga tao sa walang hanggang pag-asa at kapayapaan na mayroon kay Jesus. Inatasan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod sa mahalagang gawain na palaganapin ang mabuting balita, at ito ay totoo pa rin para sa atin ngayon.

Ngayong Pasko, ating isaalang-alang ang kapangyarihang mayroon tayo sa pamamagitan ni Jesus—na pinagkalooban Niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang kapangyarihang bumuhay sa Kanya mula sa kamatayan ay nananahan sa atin. Mahimok ka na ang Diyos ay hindi lamang nagnanais na kumilos sa ating buhay nang may kapangyarihan, kundi nais rin Niyang kumilos nang may kapangyarihan sa pamamagitan mo upang maabot ang ibang tao. Nakakapagpakumbaba na ang Diyos ng sangsinukob ay pinipiling gamitin tayo sa ikasusulong ng Kanyang Kaharian!

Panalangin: Salamat, Ama, sa labis po Ninyong pagmamahal at sa pagpili sa amin na tumulong sa pagpapalago ng Iyong Kaharian. Ang Inyo pong salita ay nagsasabing ang Iyong kapangyarihan ay kumikilos sa akin. Tulungan po Ninyo ako, Panginoon, na laging maisakatuparan ang higit sa aking kayang maisip sa pamamagitan ng Iyong makapangyarihang pangalan.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

God With Us

Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: http://www.churchofthehighlands.com