Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa

God With Us

ARAW 1 NG 7

Jesus, Ating Tagapagligtas

Sa panahon ng kapanganakan ni Jesus, inaasahan ng mga Judio ang isang dakilang hari upang sila'y iligtas mula sa mga pang-aapi at magtatag ng isang kaharian sa lupa. Ngunit ang kanilang natanggap mula sa pagsilang ng isang sanggol ay higit pa sa kaligtasan mula sa mga kaganapan at ang tagumpay ng isang pansamantalang paghahari.

Sa halip, itinatag ng Diyos ang Kanyang walang hanggang kaharian, nagbigay ng daan para sa kaligtasan, ipinagkasundo tayo sa tamang relasyon sa Kanya, at nagdala ng pag-asa sa isang wasak na mundo. Bagaman marami sa mga mamamayang Judio ang hindi lubos na naiintindihan o pinahahalagahan ito sa panahong iyon, ito ay tulad ng ating Diyos na umangat at humigit pa sa ating inaasahan.

Bago si Jesus, ang mundo ay alipin ng kasalanan, at ang bayan ng Diyos ay kinakailangang mag-alay ng mga sakripisyong handog sa Kanya bilang pagbabayad-sala. Bagaman maganda na ang Diyos ay naghandog sa Kanyang mga tao ng biyaya sa pamamagitan ng Lumang Tipan, kamangha-mangha na Kanyang ipinadala si Jesus, na tanging nag-iisang nakapagpalaya sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan at ang ating tunay na tagapagtubos!

Sa 1 Timoteo, malinaw na inilatag ni Apostol Pablo kung gaano kalaking regalo ang mayroon tayo kay Jesus, na ating Tagapagligtas: "Narito ang isang mapagkakatiwalaang pahayag na nararapat na tanggapin ng ganap: Si Jesu-Cristo ay naparito sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan—kung saan ako ang pinakamasama.” Bago ang kanyang kaligtasan, inuusig ni Pablo ang mga Cristiano, ngunit malayang ibinuhos ng Diyos ang Kanyang labis na biyaya sa kanya, na kumilos sa pamamagitan niya upang sumulat ng maraming aklat sa Bagong Tipan at ikalat ang ebanghelyo sa mundo.

Si Jesus, din, ay tinukoy ang nag-uumapaw na biyaya mula Diyos sa Kanyang Talinhaga Tungkol sa Lingkod na Di-marunong Magpatawad, na nagsabing, “Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.” Gumawa din Siya ng isang karagdagang hakbang, at ibinahagi kung paano tayo ay dapat maimpluwensyahan ng ating kaligtasan upang mabuhay nang may pagpapatawad at biyaya sa mga nasa paligid natin. Inilahad ito ni Jesus sa Dakilang Komisyon, kung saan itinuro Niya na ang kaligtasan ay hindi isang bagay na itatago, ngunit kailangang pagningasin at ibahagi.

Ngayong Pasko, magtiwala tayo sa kamang-manghang katotohanan na, sa pamamagitan ni Jesus, natanggap natin ang pinakadakilang regalo. Hindi mahalaga kung ano ang ating nagawa, kung saan tayo naroroon, o kung paano natin iniisip ang ating sarili — pinatawad tayo at hindi na kailangang magpasan ng bigat ng kabayaran para sa ating sariling kasalanan at kabiguan. Maaari tayong lumakad nang malaya sa kaalamang binuwag ni Jesus ang kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa ating buhay at iniligtas tayo mula sa isang utang na hindi natin kailanman kayang bayaran. Sa Kanya, mayroon tayong pag-asa at pangakong buhay na walang hanggan—isang dahilan upang magdiwang!

Manalangin: Ama, maraming salamat sa pagmamahal sa akin ng lubos kaya't Iyong isinugo ang Iyong Anak upang gumawa ng paraan upang magkaroon ako ng walang hanggang relasyon sa Iyo. Ngayong Pasko, paalalahanan mo ako kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa Iyo, at bigyan Mo ako ng katapangan na ibahagi ang mabuting balita ng nagawa Mo sa aking buhay sa mga nasa paligid ko.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God With Us

Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: http://www.churchofthehighlands.com