Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa

God With Us

ARAW 6 NG 7

Pastol

Habang ang titulo ng pastol ay nagdadala ng natatanging kahulugan sa mga taong Judio sa panahong ito, madali para sa atin ang mabilisang pagsulyap sa pagtukoy na ito at makaligtaan ang kahalagahan ng kung ano ang sinasabi ng Diyos patungkol sa kalikasan ni Jesus.

Ang tradisyunal na papel ng isang pastol ay masasabi nating hindi kaakit akit. Sa totoo lang, ito ay napakahirap, nangangailangan ng mahaba, mapanganib na mga oras at ganap na katapatan sa kapakanan ng kanyang kawan. Dinadala niya ang mga ito sa pagkain at kanlungan, binibilang tuwing gabi, hinahanap at ibinabalik ang mga naliligaw ng landas. Sila rin ay pinangalagaan laban sa mga magnanakaw at maninila kapalit ng kanyang kaligtasan.

Tulad din ng tupa na walang pakiramdam para sa pagkain, madaling maligaw at mawala, nahihirapang hanapin ang tahanan, tayo rin, ay walang patutunguhan kung wala ang ating pastol. Kay Jesus, natatagpuan natin ang probisyon, proteksyon, at paggabay na lubhang kailangan natin.

Sa buong Bagong Tipan, tayo ay pinapaalalahanan ng papel ni Jesus bilang ating Mabuting Pastol. Sa Talinhaga ng Nawalang Tupa, iniwan ng pastol ang siyamnapu't siyam para hanapin ang isa, at nagbibigay ito sa atin ng isang magandang larawan ng puso ng Diyos para sa mga nawala at ang Kanyang pangako na madala tayo sa ating tahanan nang ligtas.

Sa Mga Taga-Filipos, tayo ay pinaalalahanan ng Alagad na si Pablo na ibibigay ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan sa pamamagitan ni Jesus, katulad ng isang pastol na nangangalaga sa bawat pangangailangan ng kanyang kawan. Muli, sa Lucas 13, nagsalita si Jesus ng Kanyang matinding pagnanais na maprotektahan ang Kanyang mga anak, kung tayo lang ay kusang susunod sa Kanya.

Sa Juan 10:27-30 RTPV05, sinabi ni Jesus:

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”

Tunay ngang Isang Napakabuting Pastol!

Habang tayo ay nalalapit sa Pasko, tandaan natin na si Jesus ang ating Mabuting Pastol at sa Kanya, nasusumpungan natin ang probisyon, buhay na walang hanggan, at ang pangako na walang sinuman ang pwedeng makaagaw sa atin sa seguridad ng Kanyang pag-aalaga. Tulad ng isang pastol na hindi makakapag-alaga ng kanyang kawan nang malayuan, si Jesus ay palaging nasa ating tabi. Tayo ay makinig sa Kanyang boses, na may buong pagtitiwala na Siya ay malapit, at inaakay Niya tayo sa mabuting pastulan.

Panalangin:Ama, maraming salamat sa pagpipinta ng isang napakagandang larawan ni Jesus bilang aking Mabuting Pastol, at sa palaging pagbibigay ng aking mga kailangan sa pamamagitan Niya. Bigyan mo ako ng tenga para marinig nang malinaw ang Iyong boses at ang katapangan na sumunod kung saan Mo man ako tawagin. Naniniwala ako na pawang magagandang bagay ang inilaan Mo sa akin, at hindi kailanman ako mawawala sa Iyong kalinga.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

God With Us

Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: http://www.churchofthehighlands.com