Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa
Kamangha-manghang Tagapayo
Sa aklat ni Isaias, si Jesus ay tinutukoy bilang ating Kamangha-manghang Tagapayo, at sa kabuuan ng Baong Tipan ay makikita nating itinaguyod ito ng Kanyang ministeryo. Hindi lamang naghandog ng pag-asa at kagalingan si Jesus sa mga lugar na katanggap-tanggap sa lipunan, tulad ng sa mga sinagoga. Dinala Niya ang Kanyang ministeryo sa mga lansangan at hinanap ang mga nawawala, ang mga nasasaktan, at ang mga bagbag ang puso, lalo na ang mga itinakwil ng lipunan. Napakalaking biyaya na may isang Kamangha-manghang Tagapayo na kinakatagpo tayo kung saan tayo naroon.
Pinaaalalahanin din tayo na si Jesus ay tinukso sa lahat ng bagay, katulad din natin—ngunit hindi Siya nagkasala. Kahit batid ang sakit at pangungutya na darating, ang Diyos ay naging tao, pinili Niyang maranasan mismo ang bawat aspeto ng buhay. Kay Jesus, hindi lamang may dumadamay sa ating mga pagpupunyagi, kundi may kasama tayong laging nariyan at handang lumakad kasama natin.
Ngunit kung paanong ang paghahanap ng matalinong payo mula sa isang tagapagturo o kaibigan ay kailangan ng isang antas ng katapatan at kababaang-loob, hinihingi ng Diyos na maging tapat at mapagpakumbaba rin tayo habang ibinibigay natin ang ating mga pasanin kay Jesus. Kapag ginawa natin ito, higit pa sa mabuting payo ang matatanggap natin—mararanasan natin ang paglago, kagalingan, at katagumpayan na tanging matatagpuan lamang sa Kanya.
Sa pagdiriwang natin ng Pasko, ating alalahanin na hindi natin kailangang harapin ang buhay nang mag-isa. Gumugol ng oras upang makipag-ugnayan at maging tapat kay Jesus, ang ating Kamangha-manghang Tagapayo. Hanapin Siya sa Salita ng Diyos at matitiyak mong Siya ay tapat at lalapit Siya sa iyo. Sa Kanya ay makakatagpo ka ng karunungan, kaunawaan, at kapahayagan—walang sagot na hindi matatagpuan kay Jesus!
Panalangin: Jesus, maraming salamat at naparito ka sa mundo upang harapin ang bawat tukso kaya nauunawaan Mo ang kinakaharap ko. Nagpapasalamat ako na maaari akong lumapit sa Iyo sa anupamang kadahilanan. Salamat sa paglikha at pangangalaga sa aking kaluluwa. Tulungan Mo akong ibigay ang lahat sa Iyong harapan, at magtiwala sa Iyo habang kasama Kitang lumalakad sa anumang sitwasyon. Salamat sa pagiging Kamangha-manghang Tagapayo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.
More