Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa
Amang Walang Hanggan
Bagaman tayo ay may iba't-ibang karanasan sa ating ama dito sa lupa, alam nating walang relasyong perpekto. Kung ang pagbanggit man ng “ama” ay nagdudulot ng masasayang nakaraan o kaya naman ay dalamhati, walang katumbas ang regalong si Jesus, ang ating perpekto, Walang Hanggang Ama.
Sa pamamagitan ng buhay ni Jesus, ng Kanyang kamatayan, at pagkabuhay na muli, tayo ay nabiyayaan ng direktang daan sa Diyos. Kapag sinusunod natin si Jesus, tayo ay napapasama sa pamilya ng Diyos, at, bilang mga anak Niya, napapasaatin ang mga benepisyo ng buhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga.
Isa sa mga benepisyong iyon ay binanggit ni Jesus sa Parabula ng Alibughang (o Naligaw na) Anak, kung saan ipinakita ang lawak ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga anak — kung paanong hindi Siya sumusuko sa atin, kahit na gaano pa tayo lumayo sa Kanya! Nang tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo kung paano manalangin, binanggit din Niya kung paano kagalak ang Diyos magbigay sa Kanyang mga anak na may lakas nang loob humingi:
“Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! (Mateo 7:9-11 RTPV05)
Napakapambihirang biyaya, na kahit na ano pa man ang ating pinagdaanan, tayo ay niyaya pa ring magkaroon ng relasyon sa hindi nagbabago at mabuting Ama.
Sa panahong ito, sana ay mahikayat ka ng magandang paglalarawan ng Walang Hanggang Ama na matatagpuan sa aklat ni Santiago: “Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.” (Santiago 1:17 RTPV05) Sa Kanya, may pag-asa tayo, kalunasan, at mga pangako ng Kanyang pagkalinga magpakailanman!
Panalangin: Salamat, Jesus, sa Iyong perpektong ehemplo kung ano dapat ang isang Ama. Palambutin mo po ang aking puso para matanggap ang katotohanan na ang sentro ng panahong ito ay Ikaw, at ang Iyong puso sa panahong ito ay para sa akin. Ikaw ang mabuting Ama!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.
More