Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Maghasik ng Pagiging Hindi Makasarili at Umani ng Walang Hangganang Buhay
Ang pagiging makasarili ay sumisira ng mga relasyon. Ito ang unang-unang dahilan ng sagupaan, pagtatalo, paghihiwalay, at maging ng digmaan.
Sinasabi sa Santiago 4:1 na, “Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban?” (RTPV05) Ang bawat kaguluhan ay nagsisimula dahil sa pagiging makasarili natin.
Napakadali para sa kasakimang pumasok sa mga relasyon. Kapag nagsimula ka ng isang relasyon, pinagsusumikapan mo talagang hindi maging makasarili. Ngunit habang lumilipas ang panahon, nagsisimulang pumasok ang pagiging makasarili. Mas nagiging masigasig tayong buuin ang ating relasyon kaysa sa panatilihin ito.
Kung ang pagiging makasarili ay sumisira ng mga relasyon, ang pagiging di-makasarili naman ang magpapalago rito. Ano bang ibig sabihin ng pagiging di-makasarili? Nangangahulugan itong mas kakaunting “ako” at mas maraming “ikaw.” Ang ibig sabihin nito ay iniisip mo muna ang ibang tao bago mo isipin ang sarili mo at inuuna mo muna ang pangangailangan ng ibang tao bago ang pangangailangan mo (Mga Taga-Filipos 2:4).
Nailalabas ang pinakamabuti ng ibang tao sa pagiging di-makasarili. Ito ay bumubuo ng pagtitiwala sa mga relasyon. Sa katunayan, kapag nagsimula kang maging di-makasarili sa isang relasyon, napupwersa nitong magbago ang tao, sapagkat iba ka na kaysa sa dati, at kailangang makipag-ugnayan sila sa iyo sa ibang pamamaraan. Maraming beses ko na itong nakita — ang ilan sa mga taong hindi nga kaibig-ibig at tinatanggihan ng mga taong makasalamuha ay nagbabago kapag ang isang tao ay naging mabait at di-makasarili sa kanila at ibinibigay ang kanilang pangangailangan, hindi kung anong nararapat sa kanila.
Sinasabi ng Biblia sa Mga Taga-Galacia 6:7-8 na, “Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan” (RTPV05).
Ito ang panuntunan ng paghahasik at pag-aani. Kung anong inihasik mo, ito ang aanihin mo. Ginagantimpalaan ng Diyos ang pagiging di-makasarili ng buhay na walang hanggan. Nilikha ng Diyos ang daigdig kung saan mararanasan mong habang lalo kang nagiging di-makasarili, lalo ka Niyang pinagpapala. Bakit? Dahil nais Niyang maging katulad mo Siya, at ang Diyos ay di-makasarili. Ang lahat ng mayroon ka sa buhay mo ay kaloob ng Diyos, dahil hindi Siya maramot sa iyo.
Lubos kang nasisiyahan sa buhay na ito kapag ibinibigay mo ang sarili mo para sa ibang tao. Sinabi ni Jesus, “ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito” (Marcos 8:35b RTPV05).
Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More