Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Itaas ang Iyong Inaasahan Mula sa Diyos
Gumagawa ang Diyos sa puso ng mga tao kapag inaasahan nating gagawin Niya ito.
Bago ang bawat pagsambang ginagawa sa Saddleback Church, nananalangin ako, “Diyos ko, magiging pag-aaksaya lamang ng oras kung lalabas ako at makikipag-usap sa mga tao nang wala akong inaasahang gagawin Mo. Kaya ngayon pa lamang ay magpapasalamat na ako sa pagbabago mo ng buhay nila. Inaasahan kong mangyayari ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi dahil sa kung sino ako, kundi dahil sa kung sino Ka.” Iyan ang pananampalatayang ginagamit ng Diyos upang mabago ang buhay ng mga tao.
Iilan lamang ang mga taong lumalapit kay Jesu-Cristo sa pinakaunang beses na narinig nila ang Mabuting Balita. Kailangan pa muna nilang pag-isipan ito at bigyan ng panahon upang gumawa ng tamang desisyon.
Huwag mong susukuan ang sinuman. Walang taong walang pag-asa! Kailangan mong magtiwala sa Diyos. Sinasabi sa Mga Taga-Hebreo 11:1 na, “Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita” (RTPV05).
Ang ilan sa inyo ay matagal nang ipinapanalangin ang inyong kasintahan o ang inyong anak o isang malapit na kaibigan upang sila ay maging mananampalataya. Ilang taon ka nang nananalangin ngunit wala ka pang nakikitang katibayan na mas nalalapit na sila sa kanilang paglalakbay patungo sa Diyos kumpara noong nakaraang limang taon o dalawang taong lumipas o kaya naman ay noong isang taon.
Ano ang kailangan mong gawin? Kailangan mong manalangin nang may pananampalataya, na inaasahan mo ang Diyos ang Siyang may gagawin. Ang pananampalataya ay nakasisiguro sa hindi mo pa nakikita. Kailangan mong sabihin sa Diyos, “Hindi ko pa sila nakikitang nagiging mainit para sa Iyo. Ngunit mananalangin ako at aasang Ikaw ang gumagawa sa buhay nila, kahit na hindi ko pa ito nakikita.”
Natatandaan mo ba ang kasaysayan sa Biblia tungkol sa apat na lalaking may kaibigang paralisado? Naniwala silang mapapagaling ni Jesus ang kanilang kaibigan, kaya't inilagay nila ito sa isang banig at dinala kay Jesus. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi Niya, “Kaibigan, pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan” (Lucas 5:20b), at pinagaling Niya ang lalaki.
Pinagaling ni Jesus ang lalaking paralisado dahil sa pananampalataya ng kanyang mga kaibigan, hindi sa pananampalataya ng lalaking may karamdaman. Kung minsan, kailangan mong maniwala nang may pananampalataya para sa ibang tao at umasa sa Diyos na Siyang gagawa sa mga ito. Ilagay mo ang maliit na pananampalataya mo sa malaking Diyos at magkakamit ka ng malaking bunga.
Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More