Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 6 NG 24

Makipagkaibigan Upang Makagawa ng mga Alagad

Ang lahat ng tao ay naghahanap ng tunay na kaibigan — hindi lamang isang kakilala kundi mga taong nariyan para sa iyo kapag kailangang-kailangan mo sila. Nais ng Diyos na bumuo ka ng totoong pakikipagkaibigan sa mga taong nasa buhay mo na upang maibahagi mo sa kanila ang Ebanghelyo. Inilagay ng Diyos ang mga taong ito — ang iyong mga katrabaho at kamag-aaral, mga kapitbahay at kakampi sa koponan — sa buhay mo upang maibahagi mo sa kanila ang pinakamahalagang desisyon na gagawin nila sa kanilang buhay. Kung hindi mo sasabihin kung anong ginawa ni Cristo para sa kanila, sino ang magsasabi?

Sinasabi sa Biblia sa Mga Taga-Roma 12:16 na, “Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha” (RTPV05).

Ang mga Cristiano ay madalas na nabibilang sa dalawang magkasalungat na kategorya: humihiwalay o gumagaya. Sinasabi ng ilang Cristiano, “Ayokong madungisan ng mundo. Ihihiwalay ko na lamang ang sarili ko. Gagawa ako ng pader sa palibot ko sa sarili kong mundo.”

Hindi gagana ang paghihiwalay sa sarili! Paano ka makabubuo ng pakikipagkaibigan sa ganyang paraan?

Ang kasalungat naman nito ay ang paggaya na nagsasabi, “Gayahin na lamang natin ang mundo. Manamit tayo tulad ng mga sikat na artista. Sasabihin natin kung anong gusto nating sabihin sa mga tao. Tatangkilikin natin ang mga prinsipyo at layunin na sinasabi ng kultura na nararapat sa atin. Gagalaw tayo nang walang ipinagkaiba sa mga tao sa mundo."

Ngunit hindi pa rin iyan ang ninanais ng Diyos para sa iyo. Hindi Niya ninanais na sumuko ka na lamang sa kababawan ng lipunan.

Ang sagot ay hindi ang paghiwalay o ang paggaya. Ang sagot ay ang pagbalot at ang pagpasok. Sinasabi ng Biblia na ikaw ay asin at ilaw ng mundo. Kailangan mong maabot ang mundo sa pamamagitan ng kabutihan ng Diyos.

Kapag kumakain ako sa labas at pinipili ko ang sea bass, ang unang ginagawa ko bago ko ito kainin ay nilalagyan ko ito ng asin. Nakatira ang isdang ito sa buong buhay niya sa tubig dagat, pero kailangan ko pa rin siyang lagyan ng asin. Bakit nagkaganoon? Ang isdang iyon ay nababalutan. Kung kaya ng Diyos na kumuha ng isda at hayaan itong mabuhay sa tubig dagat nang hindi tumatagos dito ang alat, ganoon din naman, kaya ng Diyos na ilagay ang isang mananampalataya sa mundo at panatilihin tayong hindi nadudungisan ng mga maling prinsipyo nito.

Nais ng Diyos na maging banal ka at sigurado sa iyong pananampalataya. Nais din Niyang lumabas ka at kilalanin ang mga taong inilagay Niya sa buhay mo. Sa pagbubuo mo ng relasyon sa mga taong nakapaligid sa iyo habang ibinabahagi mo ang Katotohanan sa kanila, ikaw ay nasa sanlibutan ngunit hindi taga-sanlibutan.

“Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. (2 Timoteo 1:7 RTPV05).

Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org