Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Sabihin sa Iba ang Iyong Kahanga-hangang Kuwento Tungkol sa Diyos
Ang pinakamabisang pamamaraan upang malaman ng ibang tao ang tungkol sa mga kahanga-hangang bagay na kayang gawin ng Diyos sa buhay nila ay sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa kanila kung anong ginawa ng Diyos sa buhay mo. Ito ang pagkakaibang dapat nilang makita.
Sinabi ni Jesus sa Mga Gawa 1:8, “Kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” (RTPV05). Kapag naririnig ko ang salitang “saksi,” ang naiisip ko ay ang isang korte. Ito ay isang larawang tamang-tama sa nais ng Diyos na gawin natin upang maging iba tayo sa mundo. Hindi Niya gustong tayo ang maging abugado, na siyang mangangatwiran para sa kaso. Hindi Niya sinasabi sa atin na maging huwes, at hatulan ang mga tao. Nais Niyang maging mga saksi tayo.
Ano ba ang ginagawa ng isang saksi? Sinasabi ng saksi na, “Ito ang aking nakita. Ito ang aking narinig.” Ang isang saksi ay nagsasalaysay sa ibang tao kung anong ginawa ng Diyos sa buhay nila.
Ang mga kaibigan ay hindi nagtatago ng mabuting balita sa kanilang mga kaibigan. Sinasabi mo sa kanila ang mabuting balita tungkol sa kung anong ginawa ng Diyos sa buhay mo upang magkaroon ito ng walang hanggang kaibahan sa kanilang buhay.
Hindi ka ba nakatitiyak kung paano itong sisimulan? Narito ang isang simpleng hakbang na maaari mong gawin: Isulat ang iyong kasaysayan, at ibahagi ito sa isang maliit na grupo. Simulan mong ibahagi ito sa mga taong malapit sa iyo upang masanay ka. Pagkatapos ay bibigyan ka ng Diyos ng pagkakataong ibahagi ito sa isang taong nangangailangang makarinig ng Mabuting Balita.
“Lapit at makinig … at sa inyo'y aking isasaysay ang Kanyang ginawang mga kabutihan” (Mga Awit 66:16 RTPV05).
Sino sa mga taong nasa buhay mo ang nangangailangan makarinig sa ginawa ng Diyos sa iyo?
Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick>>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More