7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa
Mga pagpapala ng pamumuhay nang mapagbigay.
Ang pangangasiwa, pagbibigay, at pagiging mapagbigay ay hindi magkakapareho. Ang pangangasiwa ay isang tungkulin, ang pagbibigay ay isang gawa, at ang pagiging mapagbigay ay isang saloobin. — Dave Briggs
Ang sipi sa itaas ay malinaw na pagpapaliwanag ng relasyon sa pagitan ng pangangasiwa, pagbibigay, at pagiging mapagbigay. Tayo ay mga tagapangasiwa na nagbibigay nang may mapagbigay na saloobin. Kapag ginagawa natin ito, ang mga buhay natin ay lubos na mapupuspos na hindi natin magagawang awatin ang mga pagpapala. Ngunit ang pagiging mapagbigay upang may makuha ay hindi kailanman ang punto nito. Hindi tayo magpapasyang magbigay ng ating salapi, oras o magpalakas ng loob upang may makuha tayong kapalit. Ngunit, malinaw na makikita ang mga pagpapala mula sa Diyos kapag namuhay tayo upang maging pagpapala sa iba.
Kung maghahanap sa internet ng kung paano nababago ng pagiging mapagbigay ang buhay ng tagapagbigay, makakahanap ka ng napakaraming pag-aaral na magpapakitang ito ay malinaw na kapakinabangan. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang pagiging mapagbigay ay nagpapababa ng presyon ng dugo, nakakapagpabawas ng kabalisahan, nagpapaganda ng buhay mag-asawa, nagpapalawig ng ating mga buhay, at sa kabuuan ay mas pinasasaya tayo. (1) Madalang, na ang isang tao ay nagiging mahirap o miserable sa pamamagitan ng pamumuhay nang mapagbigay. Hindi lang talaga ganyan ang nangyayari.
Maaaring ang dahilan kung bakit may mga mainam na kinahihinatnan ang ating pagbibigay ay dahil hindi tayo nakatuon sa ating sarili. Kapag tumutuon tayo sa ating mga sariling isyu, pagpupunyagi, at hamon, nagiging sanhi ito ng panloob na pagkaligalig na kalaunan ay makikita sa iba't-ibang paraan sa buhay natin.
Kahit sa mga panahon ng personal na kasalatan, ang pagiging mapagbigay ay maaaring maging masigla. Ang totoo nito, sa mga mismong panahon na inaakala nating wala tayong gaanong natitirang labis ay doon tayo lumalago sa ating pagiging mapagbigay sa pamamagitan ng pagpili nating magbigay. Sa mga mahirap na panahon, madaling maging mga propesyonal na tagatanggap. Bagkus, maging propesyonal tayong mga tagapagbigay. Upang makita nating magbago ang ating mga puso mula sa mentalidad ng kasalatan tungo sa pananaw ng kasaganaan, dapat nating alisin ang ating mga mata sa ating mga sarili at isaalang-alang ang iba. Ito ang pinakamabisang paraan na mapapalago ang pagiging mapagbigay sa ating mga puso.
Sabi ni Jesus, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” Nawa'y magising tayo sa bawat araw na puno ng pagpapasalamat sa mga ginawa ng Diyos sa ating mga buhay at dahil dito, maghanap ng mga oportunidad na magsakripisyo para sa ikabubuti ng ibang tao.
Iyan ang pamumuhay nang mapagbigay.
Magbulay-bulay
- Itiinuturing mo ba ang sarili mong isang mapagbigay na tao?
- Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin upang masimulang makapamuhay nang mapagbigay?
(1) Pinagkunan: https://michaelhyatt.com/habit-of-generosity/
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.
More