7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa
Ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagbigay?
Dapat tayong mamuhay nang mas simple at magbigay nang mas sagana dahil Langit ang ating tahanan. Ang nag-iisang pinakamalaking hadlang sa pagbibigay at pamumuhay nang mas simple ay ang ilusyon na ang mundong ito ang ating tahanan. — Randy Alcorn
Ang prinsipyo ng pagiging mapagbigay ay matatagpuan sa maraming bahagi ng Biblia. Ang totoo nito, nasa atin ang pinakamahusay na modelo at tagapagturo pagdating sa pagiging mapagbigay — ang Diyos. Pinadala Niya ang Kanyang Anak, si Jesus, bilang handog na inalay para sa ating mga kasalanan upang makasama natin Siya magpakailanman. Iyan ang ganap na halimbawa ng pagiging mapagbigay. Upang matutunan nating mamuhay nang mapagbigay, dapat nating maunawaan ang kahulugan nito.
Ang salitang mapagbigay ay nangangahulugan ng:
- Bukas sa pagbibigay o pamamahagi
- Handang magbigay ng tulong o suporta
- Hindi makasarili
Ang buhay na mapagbigay ay pamumuhay na nakatuon sa iba. Ito'y hindi isang pareho para sa lahat na konsepto na limitado sa mga mayayaman, mga pinagpala ng talento, mga magaganda, or mga masusuwerte. Ito'y isang paglalakbay kung saan ang ating mga puso ay binabago mula sa “Ano ang makukuha ko?” tungo sa “Ano ang maibibigay ko?” Ito'y ang hayaan ang Diyos na linangin ang isang mapagbigay na puso sa loob natin. Tulad ng pagsamba, ang pagiging mapagbigay ay ang disposisyon ng ating mga puso.
Sinasabi sa Awit 24:1 na “Ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng narito; ang sanlibutan, at silang naninirahan dito.” (ABTAG01) Iniisip natin na tayo ay mga may-ari. At sa ating lipunan, maaaring totoo iyan. Nagmamay-ari tayo ng bahay, isang sasakyan o isang pares ng sapatos. Ngunit sa ekonomiya ng Diyos, ang lahat ay pagmamay-ari Niya. Siya ang may-ari, at tayo ang mga katiwala. At ang mga mahuhusay na katiwala ay binibigyan ng higit pang pangangasiwaan nang mabuti. Hindi mahalaga kung ano ang mayroon tayo; mahalaga ang kung ano ang ginagawa natin sa ibinigay sa atin. Ito'y pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. At pag ginawa natin iyan, nagbabago ang ating pag-iisip mula sa “Akin ito” tungo sa “Gustong-gusto kong mamahagi.”
Sa susunod na anim na araw ng Gabay sa Bibliang ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay may epekto sa higit-higit pa sa ating personal na pananalapi. Matututunan din natin kung paanong magbigay ng ating oras, mga kaloob, mga talento, mga salita, at mga pagmamay-ari upang mapabuti ang buhay ng ibang tao.
Magbulay-bulay
- Kailan ang huling beses na nagpakita ka ng diwang mapagbigay sa ibang tao?
- Gumugol ng kaunting panahon ngayon upang siyasatin kung paano mo tinatanaw ang mga bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Itinuturing mo ba ang mga ito na mga kaloob mula sa Diyos o mga bunga ng iyong pagsisikap at mga pagmamay-aring iyong pinaghirapan?
- Ano ang isang balakid na pumipigil sa iyong maging mas mapagbigay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.
More