Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa

7 Days To Becoming A More Generous Person

ARAW 6 NG 7

Mapagbigay ng ating salapi.

Hindi masasabi ng sinuman kung magkano ang dapat nating ibigay. Ang tanging mapagtitiwalaang pamantayan ay ang magbigay nang higit sa ating natitirang labis. — C. S. Lewis

Nabanggit na noong ikaanim na araw na may daan-daang pagtukoy patungkol sa salapi sa Biblia. Matututunan natin ang lahat ng kinakailangan nating malaman patungkol sa paksang ito mula rito. Bagama't ang salapi ay hindi isang masamang bagay, ang pag-ibig sa salapi ay siguradong masama. 

Sabi ni Randy Alcorn, “Iiwan tayo ng kayamanan habang nabubuhay tayo o iiwan tayo nito kapag namatay tayo. Walang hindi saklaw nito.” Kaya lang, kahit na alam nating lilisanin natin ang mundo na walang dalang salapi, natutuon tayo sa pag-iipon nito habang naririto sa mundo. Naglilikom tayo nito sa tangkang makaramdam ng higit pang seguridad, magmukhang mas importante, at upang palawakin pa ang listahan ng ating mga pagmamay-ari. 

Habang natututunan nating pangasiwaan ang ating salapi, ang pagtiwalaan ang Diyos para sa ikasampung bahagi ang pinakamahalaga. Ang unang ikasampung bahagi ng ating kinikita ay tinatawag na ikapu. Ibinabalik natin ang ikapu sa lokal na simbahan at pinagtitiwalaan ang Diyos na multiplikahin ito para sa Kanyang kaluwalhatian. 

Maraming taong nag-aakalang ang pagbibigay ng ikapu ay pagiging mapagbigay. Ang totoo nito ay ito ay hindi patungkol sa pagiging mapagbigay kundi sa pagiging masunurin. Ang pagbabalik ng ikapu ay pagbabalik lang ng hindi natin pagmamay-ari. Dahil ang Diyos ang may-ari ng lahat at tayo ay mga tagapangasiwa lang nito, napakabait Niya na pinapayagan Niya tayong pangasiwaan ang nalalabing 90% sa paraang nakikita nating naaangkop. 

Dito pumapasok ang pagiging mapagbigay.

Upang tayo ay maging mapagbigay ng salapi, kailangan nating kilalanin ang ating sariling mga pagpapala para mapansin natin ang mga pangangailangang nakapaligid sa atin. Kapag nakikita natin kung ano ang mayroon na tayo, mas malamang tayong maging mapagpasalamat, batid talaga na higit pa sa sapat ang mayroon tayo. Hinahayaan nitong mabuksan ang ating mga mata at maging mas bukas-palad sa ating pananalapi nang tayo ay maging ang daluyang nilayon ng Diyos sa pagpaparating ng probisyon sa iba.

Kaya't, simulan nating hakbang-hakbang na dagdagan ang porsiyento sa higit sa 10% upang tayo'y maging mga mapagbigay na tagapagbigay na magagamit ng Diyos. Kaya natin na: 

  • Magbigay nang kusang-loob.
  • Sumuporta sa mga ministeryo maliban pa sa ibinibigay na ikapu.
  • Magpadala ng mga kinakailangang gamit sa isang guro.
  • Mag-iwan ng malaking tip sa weyter sa restawran.
  • Bumili ng mga kagamitan ng sanggol para sa isang nagsisimula pa lamang na ina.
  • Magbigay sa isang pamilya ng gift certificate sa isang groseri.

Walang limitasyon sa maaaring gawin ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagiging masunurin sa Kanya. Mas marami tayong ibinibigay, mas maluwag ang hawak ng salapi sa ating mga puso. Marapat nating tamasahin ang salapi at mga bagay sa buhay, hindi mahalin ang mga ito. Bagkus, tinatawagan tayong mahalin ang ating kapwa at isa sa pinakamabuting paraan ay tulungan silang matugunan ang kanilang mga pinansyal na pangangailangan. 

Magbulay-bulay

  • Kailan ang huling beses na humindi ka sa isang bagay na gusto mo upang maging mapagbigay ng salapi sa ibang tao?
  • Ano ang isang bagay na maaari mong baguhin sa iyong buwanang paggasta upang makatulong sa pagtustos ng mga pangangailangan ng iba?
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days To Becoming A More Generous Person

Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay nilikha at mula sa YouVersion.