Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa

7 Days To Becoming A More Generous Person

ARAW 3 NG 7

Mapagbigay ng ating mga abilidad.

Hindi ka pa nabubuhay ngayong araw na ito hanggang wala ka pang nagagawang mabuti para sa isang taong hindi kailanman makakaganti sa iyo. — John Bunyan

Naipakita na natin na ang pagiging mapagbigay ay patungkol sa higit pa sa ating naimpok sa bangko. Sa maraming panahon sa ating buhay, ay ni wala tayong kakayanang pinansyal na maiambag. Ngunit hindi tayo dapat mapigilan nitong makapagbahagi ng kung ano ang mayroon tayo — ating mga abilidad. 

Natutunan man natin ang isang bagay sa pamamagitan ng pagtuturo ng iba o ipinanganak tayong may talento, lahat tayo ay may mga bagay na magaling tayo. Kung minsan ang mga bagay na ito ang nakakatulong sa ating kumita ng ikabubuhay at sa ganitong kaso, maaaring mahirap iambag ang ganitong kahusayan sa ganitong paraan. Ngunit hindi ba't talagang napakagaling kung maiaalok ang mga abilidad at katalinuhan sa isang partikular na larangan upang makatulong sa ibang tao? Pag-isipan natin kung ano ang ating maiaambag pagdating sa ating mga abilidad at makatulong sa paraang ito.

Gamitin ang iyong mga kasanayan.
Karaniwang napapaloob dito ang mga kasanayang natutunan natin — maaaring sa kolehiyo o habang nagtatrabaho na. Ang mga mahuhusay na tagapag-ayos ng iba't-ibang bagay, mga tubero, at mga elektrisyan ay maaaring mag-alok na tulungan ang ibang hindi kayang magbayad ng ganyang serbisyo. Ang mga nakapag-aral ng accounting o likas na mahusay sa pananalapi ay maaaring mag-alok ng kinakailangang tulong sa larangang ito sa ibang tao. Ang mga tao sa medikal na larangan ay madalas nag-aalok ng kanilang kasanayan sa mga taong malamang ay hindi kaya ang ganyang pangangalaga. Saan tayo mahusay? Ano ang madali lang sa ating gawin? Maaari nating gamitin ang ating mga kasanayan na mapagaan ang pasanin ng iba.

Gamitin ang iyong mga kaloob.
Ang mga ito ang mga katangiang taglay natin mula sa kamay ng Diyos. Wala tayong ginawa upang makuha ang mga ito — ipinanganak tayong taglay ang mga kaloob na ito. Ang iba sa atin ay dumating sa mundong ito na nakangiti at talaga namang napakahusay magpalakas ng loob ng iba. O maaaring binigyan tayo ng Diyos ng abilidad na magsaayos o mamahala ng mga gawain at kaganapan. Tinatawag tayong “mandirigma ng panalangin” dahil gumugugol tayo ng ilang oras sa buong linggo sa pagdadala ng mga pasanin ng iba sa panalangin. Ang mga kaloob natin ay ibinigay sa atin upang ibahagi sa iba. 

Gamitin ang iyong mga talento.
Ang ating mga talento ay kadalasang mga bagay na pinagsanayan natin. Sa sunod-sunod na leksyon, sunod-sunod na taon, gumugol tayo ng oras upang magawa ito nang may kahusayan. Maaari itong maging sa pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumento, sa pakikipagpaligsahan sa isports, sa pagpapatawa sa ibang tao o sa iba't-ibang mga talento. Ang mga ito ay maaari nating magamit sa pagpapakita ng mapagbigay na diwa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito sa iba nang walang hinihinging kabayaran. 

Tayo man ay ipinanganak na taglay ang isang talento o nakuha ito sa ilang taong pagsasanay, mayroon tayong maiaalok sa iba. Maaaring hawakan ng Diyos ang ating mga abilidad at gamitin ang mga ito para sa Kanyang mga layunin. 

Magbulay-bulay

  • Naisip mo na ba na ang pagbibigay ng iyong mga abilidad ay pagiging mapagbigay?
  • Isulat ang ilan sa iyong mga kasanayan, kaloob at talento. Itala ang isang bagay na maaari mong ibigay sa bawat pangkat na maaari mong ibigay sa ibang tao. 
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days To Becoming A More Generous Person

Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay nilikha at mula sa YouVersion.