7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa
Mapagbigay ng ating mga ari-arian.
Tinatanong ng mundo ang, “Ano ang pagmamay-ari ng isang tao?” Tinatanong ni Cristo, “Paano Niya ito ginagamit?” — Andrew Murray
Bilang mga tagasunod ni Cristo isang kasinungalingang maaari nating paniwalaan ay na ang lupa ang ating tahanan. Ngunit hindi. Tayo ay nilikha para sa Langit. Nais nating lahat tumira sa langit magpakailanman, ngunit kung magpapakatotoo tayo, ayaw pa nating mamatay upang makapunta na roon. Kaya't, nag-iipon tayo ng mga karanasan, ari-arian, at salapi habang nasa pansamantala nating tinutuluyan sa tangkang gawing parang tahanan ang pakiramdam nito. Kapag ginagawa natin ito, naliligaw ang debosyon ng ating puso. Hinahadlangan tayo nitong mamuhay nang mapagbigay.
Sa Biblia, nangaral si Jesus sa mga talinhaga ng 39 na beses. Labing-isa sa mga ito ay patungkol sa salapi at mga ari-arian — halos isa sa bawat tatlong talinhaga Niya. Maliwanag na alam ni Jesus na ito ay magiging isang isyu na susubok sa atin. Ang pagbatak ng mga materyal na ari-arian sa ating mga puso ay malakas. Hinihiling natin sa Diyos na pagpalain tayo at kapag ginawa Niya, kinukuha natin ang pagpapalang iyon at ginagawa itong ating Diyos. At sa pagbabalik ni Cristo sa lupa isang araw, ang bawat isang bagay na pag-aari natin at dami ng salaping mayroon tayo ay awtomatikong mawawalan ng halaga.
Sinasabihan tayo sa ika-anim na kabanata ng Mateo na huwag mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa at bagkus, ay mag-impok ng kayamanan sa langit. Sinabi ni Jesus na kung saan naroroon ang ating kayamanan ay naroroon din ang ating puso. Anong bahagi ng ating mga buhay ang inaaksaya natin sa paghahabol ng mga ari-arian dito sa lupa?
Malamang sa hindi na lahat tayo ay maraming mga gamit sa ating buhay na maaari na nating maipamigay. Isa sa labing-isang Amerikano ang nagbabayad ng $90 para sa isang bodega bawat buwan. (1) Nag-iimpok tayo ng mas maraming bagay kaysa kailanman noon at ang industriya ng pagbobodega ay umabot na sa bilyon-bilyong dolyar. Ano ang remedyo sa giyera natin laban sa materyalismo? Pagbibigay.
May binabayarang bodega man tayo o wala, marami tayong mga ari-ariang maaring ipamahagi sa mga nangangailangan. Marahil ay marami tayong mga bagay na maaaring ipamigay.
- Mga nagamit nang mga damit at sapatos
- Mga nabasa nang mga aklat
- Mga kagamitan sa kusina
- Mga alahas
- Mga kagamitang elektronika
- Mga hindi pa nagagamit na muwebles
- Mga dekorasyon sa bahay
- Pagkain
- Mga aparato sa bahay
- Isang sasakyan
Ngayong araw na ito ay napakagandang araw na simulang siyasatin ang ating mga ari-arian habang iniisip ang ibang tao. Iyong mga bagay na iniisip natin na baka magamit natin o baka maisuot natin ay maaaring sagot sa panalangin ng ibang tao. Hindi lang magdadala ng kalayaan ang pag-aalis ng mga tambak, kundi magkakaroon pa tayo ng pagkakataong pagpalain ang ibang tao ng isang bagay na kumukuha lang ng lugar sa ating mga buhay at bahay.
Magbulay-bulay
- Imbentaryohin ang iyong puso. Minamay-ari mo ba ang iyong mga pagmamay-ari o minamay-ari ka ng iyong mga pagmamay-ari?
- Sa susunod na tatlong linggo, maghanap ng limang bagay bawat araw na maaari mong ibigay sa ibang tao.
(1) Pinagkuhanan: https://www.curbed.com/2018/3/27/17168088/cheap-storage-warehouse-self-storage-real-estate
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.
More