Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na TaoHalimbawa

7 Days To Becoming A More Generous Person

ARAW 2 NG 7

Mapagbigay ng ating oras.

Ang sukatan ng isang buhay, kung susumahin, ay hindi ang haba nito kundi ang naibigay nito. — Corrie Ten Boom

Ang pamumuhay nang mapagbigay ay hindi lang ang pagbibigay ng pera sa isang adhikain o isang taong nangangailangan. Bahagi iyan, ngunit higit pa ito sa pagbibigay lang ng pera. Ang pagbibigay ng ating oras ay kasinghalaga rin nito. Palagi tayong maaaring kumita ng mas maraming pera, bumili ng mas maraming bagay, at magkaroon ng mas maraming kaibigan, ngunit hindi tayo kailanman makakakuha ng mas maraming oras. Imbes na tanawin itong isang mahalagang ambag sa isang adhikain o tao, madalas tayong nagkukuripot nito at sinasabi ang, “Wala lang talaga akong oras.” Lahat tayo ay may oras. Ang tanong ay, tayo ba ay gumagawa ng oras para sa mahahalagang bagay?

Paano ba ang maging mapagbigay ng ating oras? May iba't ibang paraan tayong makapag-ambag.

Maging isang tagapagturo.
Maaaring narinig mo na, na walang sayang sa Diyos. Lahat ng mabubuti at hindi-gaanong-mabubuting bagay na pinagdaanan natin, gagamitin Niya sa buhay ng iba. Kailangang alalahanin natin ang mga bagay na humubog sa atin sa kung sino tayo ngayon at pahintulutan ang Diyos na gamitin ang mga ito na gumawa sa buhay ng ibang tao. Ang karunungang natamo natin mula sa mga karanasan sa buhay ay makakatulong sa iba sa kanilang mga sariling personal na paglalakbay.

Maging isang lingkod.
Ang paglilingkod ay madalas itinuturing na isa sa ating mga huling pipiliin. Ang karamihan ay mas pipiliing nakaharap sa iba, matanghal na tumatanggap ng karangalan, o posibleng nagkakamit ng pagkilala para sa isang nagawa. Ang lingkod ay gumagawa ng anumang kinakailangan sa sitwasyong kinalalagyan niya. Ang mga lingkod ay handang umabot sa ibang tao at mag-alok ng tulong upang maging mas madali ang buhay niya. Hindi nila inaalala ang mga karangalan o ang maitanghal; nais lang nilang maglingkod sa iba.

Maging isang kaibigan.
Sinasabi sa Kawikaan 17:17 ang “Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon.” Ang mga kaibigan ay kinakailangan kapag ang buhay ay napakaganda at kapag hindi maganda. Madaling makasama ang isang kaibigan at matamasa ang pagkakaibigang iyan kapag ang lahat ay maayos. Ngunit, kapag ang isang kaibigan ay nasasaktan, imbes na tangkaing bendahan ang kanilang mga sugat at gawin silang mabuti-buti, maging isang kaibigan na lang tayo. Ang presensya natin sa buhay nila ang maghahatid ng kaaliwan sa kanila at magpapabatid sa kanilang nakikita natin sila at hindi natin sila nalilimutan. 

Ang ating oras ay isang bagay na hindi na maibabalik sa atin. Isang pambihirang pamumuhunan ang maaari nating gawin kapag iginugol natin ang bahagi ng ating oras sa pag-iimpluwensya ng iba. Hindi natin kailanman malalaman ang pangmatagalang epekto sa buhay ng iba dahil nagbigay tayo ng ating oras.

Magbulay-bulay

  • Nakikita mo ba sa sarili mo na mas handa kang magbibigay ng iyong oras upang makatulong o hindi?
  • Ano ang isang bagay na maaari mong gawin para sa isang tao ngayong araw na ito na mangangailangan ng iyong oras? 
  • Sa pagpapatuloy, maghanap ng mga paraang makakapamuhunan ka ng oras sa ibang tao — baka maaari mong piliing gumawa ng isang bagay para sa isang tao araw-araw.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days To Becoming A More Generous Person

Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay nilikha at mula sa YouVersion.