Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa
Kailan mo nararamdaman na ikaw ay nasa wastong gulang na o kaya ay maayos na ang iyong buhay?
Umabot ka na sa huling araw nitong Gabay sa Biblia, subalit marahil marami ka pa ring mga katanungan kaysa mga sagot. Eto ang kailangan mong malaman: Okay lang iyon.
Hindi mo naman talaga nararamdaman na ikaw ay nasa wastong gulang na, at hindi mo naman talaga nararamdaman na nasa iyo na ang lahat ng mga kasagutan. At ganyan talaga ito dinisenyo ng Diyos. Kapag alam na natin ang lahat ng mga kasagutan, hindi na natin kailangan ang Diyos.
Sinasabi sa Awit 119:105 na ang Salita ng Diyos ay isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Ito ay isang napakagandang larawan. Ang pangunahing sinasabi nito ay binibigyan tayo ng Diyos ng sapat na kaalaman na gawin ang susunod na tamang bagay. Subalit hindi natin nakikita ang buong larawan. At iyon ang punto. Sapagkat hindi natin alam kung ano ang susunod, ito ay isang pagkakataon upang magtiwala sa Diyos.
Pwede tayong lumapit sa Diyos dala-dala ang kung anong tingin natin ay dapat na hitsura ng buhay natin, subalit hinahawakan natin ang ating mga layunin na bukas ang mga kamay dahil alam nating ang layunin ng Diyos ay mas malaki pa kaysa sa mahihiling, maiisip at mawawari natin.
Kaya huwag masyadong matensyon tungkol sa pagiging maayos ng buhay mo. Ang tunay na tanda ng pagkatao ay hindi isang bagay na engrande para sa iyong karera. Ito ay kung paano mo mahalin nang maayos ang iyong kapitbahay. Gamitin mo ang mga kaboob ng Diyos na inilagay Niya sa katauhan mo para mabago ang mundo mo.
Huwag kang mapuspos kung marami ka pang hindi alam. Ipinapaalala sa atin ng 1 Mga Taga-Corinto 8:1 na ang kaalaman ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakapagpapatatag ng Simbahan. Ilan sa mga sinabing huling salita ni Jesus ay ang panalangin sa Diyos na tayo ay mamuhay sa pagkakaisa. Sinasabi nito sa atin na ang ating mga opinyon ay hindi maikukumpara sa kahalagahan ng ating pagmamahal sa isa't isa.
Ang pagdating sa wastong gulang ay hindi tungkol sa pag-akyat mo sa isang antas. Ito ay ang matutynang umasa sa Diyos at sa mga taong nasa paligid mo. Manatili ka sa Salita ng Diyos. Gawin mo ang sunod na tamang bagay na sinasabi Niyang gawin mo. At mahalin mo ang taong nasa harapan mo. Kapag ginawa mo iyon? Palalakasin ka nito at palalakasin rin nito ang Simbahan.
Isaalang-alang: Ano ang ilan sa mga paraan upang matututunan mong lalong umasa sa Diyos at sa mga taong nasa paligid mo?
Manalangin:O Diyos, salamat po sa Iyong mga plano para sa akin. Tulungan Mo akong hawakan ang mga planong ito nang bukas palad, naniniwalang ang Iyong layunin ay higit pa sa hinihingi, iniisip o winawari ko. Palibutan Mo ako ng mga tamang tao. Tulungan Mo akong gawin ang ipinapagawa Mo sa akin. At tulungan Mo akong mahalin Ka at ang ibang mga tao ng higit pa sa araw-araw. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.
More