Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa

Collective: Finding Life Together

ARAW 4 NG 7

Gusto kaya ako ng ibang tao? Gusto ko man lang ba ang sarili ko?

Ang social media ay makakagawa ng isang kultura ng paghahambing. Tulad ito ng isang digital scoreboard na hindi natutulog. Nahuhuli tayo sa patibong ng paghahambing kung ilan ang mga nakagusto sa ating mga larawan laban sa larawan ng ibang tao. Nakikita natin ang isang pangkat ng mga kaibigan na naglagay ng isang larawan ng kanilang pagsama-sama at mag-iisip— Bakit hindi nila ako inimbitahan? Bakit pakiramdam ko ako ay nag-iisa? 

Eto ang dapat nating malaman: Ang digital na teknolohiya ay madalas nagiging mapanlinlang. Lagi nating inihahambing ang ating buong buhay sa larawan ng ibang tao. Ang mababasang newsfeed ay maaaring magbigay sa atin ng kaisipang ang buhay ng lahat ng tao ay walang kaproble-problema habang tayo ay nakikibaka. Sa totoo lang, ang mga taong sa tingin natin ay maayos ang buhay ay malamang na nakakaramdam din ng parehong pakikipagbuno tulad natin. Hindi nga lang natin nakikita ang parteng iyon. 

Kaya dapat tigilan na natin ang paghahambing at pakikipaglaban. Tinuruan tayong mabuti ni Jesus tungkol dito sa Mateo 9:36. Sa kuwentong iyon, nakita ni Jesus ang lipon ng tao, at nakaramdam Siya ng malalim na pagkahabag para sa kanila. 

Magpakatotoo tayo ngayon. Kapag nakakita ka ng lipon ng tao—nakakaramdam ka ba ng habag o nakakaramdam ka ng kompetensya? 

Kapag ang nakikita natin ay kompetensya, hindi tayo magkakaroon ng pagkahabag, at kung wala tayong pagkahabag, mawawala ang ating ugnayan. 

Kaya tapusin natin itong walang katapusang pag-ikot ng paghahambing at sa halip ay piliin na yakapin ang ating pagkakakilanlan kay Cristo. Ano kaya ang anyo nito? 

Ang iyong pagkakakilanlan ay hindi nakasalalay sa iyong nararamdaman bagkus ay sa pagpupuno ng Espiritu Santo, Kapag sumunod ka kay Jesus, ang parehong Espiritu Santo na bumuhay sa Kanya mula sa mga patay ay mamumuhay sa iyo. Kaya sa mga araw na pakiramdam mo ay hindi ka sapat, maaari mong alalahaning ang mga nararamdaman natin ay maaaring magbago, subalit ang ating Diyos ay pareho kahapon, ngayon at magpakailanman. At dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin, hindi nakikita ng Diyos ang iyong kasalanan, nakikita Niya ang Kanyang Anak. 

Ginawa ka sa imahe ng Diyos. Dala-dala mo ang Espiritu Santo sa loob mo. Sa pinakapangit na araw o pinakamagandang araw mo, mahal ka ng Diyos. Siya ay para sa iyo, at pinili ka Niya. Kapag hindi mo ito nararamdaman, basahin mo pa rin ang Banal na Salita ng Diyos. Gumawa ka ng araw-araw na pagpapahayag na nakaugat sa Banal na Kasulatan para maalala mo kung sino ka sa Diyos. 

Kapag alam mo kung sino ka, maaari ka nang tumigil sa paghahambing at magsimulang magdiwang sa natatanging paraan kung paano ginawa ng Diyos ang bawat isa. 

Isaalang-alang: Paano ka titigil na maghambing at magsimulang ipagdiwang ang mga taong nasa buhay mo? Ano ang mga hakbang na dapat mong gawin para magsimula kang talagang maniwala sa kung sino ka sa Diyos? 

Manalangin: O Diyos, salamat po kay Jesus. Salamat sa Iyong pagpapala at sa Iyong pagmamahal. Tulungan Mo akong magsimulang malaman at maniwala sa sinasabi Mo tungkol sa sarili ko. Bigyan Mo ako ng habag para sa sarili ko at para sa ibang mga tao sa paligid ko. Sa pangalan ni Jesus. Amen. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Collective: Finding Life Together

Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/