Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa

Collective: Finding Life Together

ARAW 1 NG 7

Iniisip mo ba kung ang buhay mo ay patungo sa tamang direksyon? 

Kapag ikaw ay 18 na, pakiramdam mo ay parang dapat maging matanda ka kaagad at maging maayos ang buhay mo. Pero paano kung mas marami ka pang mga tanong kaysa sa mga sagot? Kung pakiramdam mo na hindi mo naaabot ang mga inaasahan mo o kaya itinakda ng iba para sa iyo? Kapag ang iniisip mong dapat ay kinaroroonan mo na ay hindi ang lugar kung nasaan ka ngayon, at hindi ka sigurado kung saan ka sunod na patutungo?

Huminga ka. Isang abiso—ang totoo ay walang sinuman ang napagtanto na ang buhay nila, pero iyon nga ang punto. Lahat tayo ay umaasa sa Diyos at sa mga taong nasa paligid natin para baybayin ang buhay ng paisa-isang hakbang. Sa katotohanan, sinabi ni Jesus na huwag mag-alala tungkol sa kinabukasan dahil ang ngayon ay may sariling sapat na ligalig.

Totoo iyan, di ba? Kapag nagsimula tayong mag-isip tungkol sa ating pananalapi at sa ating kinabukasan at sa ating karera at relasyon—ito ay nakakapuspos. Subalit kapag tayo ay tumigil sandali at hinarap ang bawat araw nang hindi nagmamadali, maaari nating simulang alisin ang bigat sa ating mga sarili at magsimulang tumingin sa Diyos.

Narito ang isang bagay tungkol sa buhay. Ito ay napakaikli. Tila nakakalungkot ito, ngunit sinasabi sa Awit 90:12 na ang matutunang bilangin ang ating mga araw ay hahantong sa karunungan. Kakaiba ba? Hindi naman masyado. Kapag napagtanto nating hindi naipangako ang bukas sa atin, nakikita natin ang araw-araw bilang regalo mula sa Diyos. Isang regalong punung-puno ng mga bagong awa. Bagong pagpapala. At maraming pagkakataon para matuto at lumago.

Kaya, kung ikaw ay nag-iisip kung ang buhay mo ay kumikilos sa tamang direksyon, hindi ka nag-iisa. Bilang mga tao, mayroon tayong ugali na gustong makakuha ng mas maraming mga kasagutan pero ang kailangan lang naman natin ay mas maraming Diyos.

Subalit ito ay magandang katanungan. Kahit noong kapanahunan pa ni Jesus, ang mga tao ay nagtatanong ng mga malalaking katanungan. Mayroong nagtanong sa Kanya kung ano ang pinakaimportanteng utos.

Kung ano ang sinabi ni Jesus ay simpleng malalim pero mahirap na malalim. Sinabi Niyang ang pinakaimportanteng bagay na magagawa natin ay mahalin ang Diyos at mahalin ang bayan ng Diyos. Sa ibang pagkakataon naman, tuwirang sinabi ni Jesus na makikilala ng mundo ang Kanyang tagasunod sa pamamaraan kung paano nila mahalin ang iba. 

Patas na sabihin, kung gayon, na kapag minamahal mo ang Diyos at minamahal mo ang bayan ng Diyos sa paligid mo, ikaw ay maaaring nasa tamang landas.

Sa loob ng mga susunod na araw, tutuklasin natin ang ilang matatandang mga katanungan na mayroon tayong lahat paminsan-minsan at tingnan natin kung paano tayo salubungin ni Jesus sa gitna ng ating mga ordinaryong buhay sa pambihirang pamamaraan.

Isaalang-alang:Ano ang ilang mga pamamaraan kung paano kong maaaring mahalin ang Diyos at ang bayan ng Diyos sa paligid ko? 

Manalangin:O Diyos, salamat na Ikaw ay mapakangyarihan at kaya kong ibigay lahat ng aking mga alalahanin tungkol sa kinabukasan sa Iyo. Salamat sa Iyong biyaya, awa, at pagmamahal. Tulungan Mo akong umasa sa Iyo—at hindi sa aking kakayanan. Turuan Mo akong bilangin ang aking mga araw at sulitin ang maikling oras ko dito sa lupa. Tulungan Mo akong lalo Ka pang mahalin at mahalin ang ibang tao sa bawat araw. Sa pangalan ni Jesus, Amen. 

Nais mo bang magkaroon ng higit na kaalaman patungkol sa pagiging batang may sapat na gulang? Panoorin ang kasamang 5-bahaging pag-aaral na video,Collective. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Collective: Finding Life Together

Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/