Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa

Collective: Finding Life Together

ARAW 2 NG 7

Lahat ba ay kasing lungkot ko?

Ang kaalaman ay makukuha natin ng 24/7 sa kasalukuyan. Pwede mong i-google ang kahit ano sa kahit anong oras. Madali kang makakakita ng Youtube video tungkol sa pag-aayos ng isang umimpis na gulong, paano mag-budget, o kahit paano magluto ng ramen. At habang ang kaalamang iyan ay kapaki-pakinabang, napakadali rin na magugol ang sobrang daming kaalaman na nakahiwalay—bagay na hindi tayo nilikha para gawin.

Nilikha tayo ng Diyos para mamuhay sa isang pamayanan. Ito ang salita na lagi nating ginagamit sa simbahan na ang ibig sabihin ay kailangan natin ng mga mabubuting kaibigan. Bakit? Sapagkat ang paggugol ng kaalaman na nakahiwalay ay bihirang humantong sa pagbabago. Kailangan natin ng karunungan, at ang karunungan ay pinakamahusay na lumalago sa pamayanan.

Ibalik natin ito sa simula. Ang unang bagay na sinabi ng Diyos na "hindi maganda" ay ang mag-isa ang lalaki. Tayo ay nilikha na kailangan ng mga tao. Hinalimbawa ito sa atin ni Jesus sa Kanyang buhay at sa Kanyang ministeryo sa mundo. 

Pumili si Jesus ng 12 imperpektong mga tao para mamuhay kasama Niya. Sila ay magkasamang kumain, magkasamang nanalangin, at magkasamang nagsilbi. Bakit Niya ginawa ito? Hindi kailangan ni Jesus ng mga tao. Dahil ang katotohanan ay, Siya ay si Jesus. Siguro ito ay para maipakita sa atin kung paano tayo magmamahal ng mga imperpektong mga tao para sa perpekto Niyang layunin. 

Ipinakita ni Jesus sa atin kung anong hitsura ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan. At alam Niyang may kapalit ito. Alam Niyang ipagkakanulo Siya ni Judas. At sa totoo lang, si Pedro minsan ay madrama. Alam Niyang itatanggi at itatakwil Siya ni Pedro, pero minahal pa rin naman silang lahat ni Jesus kahit na ganoon sila. 

Mayroon tayong aral na matututunan mula sa ganitong klase ng pag-ibig. Madalas na nakatuon tayo sa pagkaroon ng perpektong kaibigan na napapalampas natin ang mga taong maaring nasa harap lang natin. Kapag natagpuan natin ang mga taong para sa atin, minamahal natin sila—pati na ang kanilang mga kahinaan—katulad ng pagmamahal ni Jesus sa atin.

Ang isa pang importanteng pakinabang ng pamayanan na hindi lang inihalimbawa ni Jesus sa atin kundi ipinangako pa Niya na nasa gitna Siya nito. Sinabi ni Jesus na kung saan mayroong dalawa o higit pang mga tao ang nagtipon-tipon sa pangalan Niya, Siya ay kasama nila. Ito ay isang matibay na dahilan para gumugol ng oras kasama ang ibang mga tao. 

Kaya kung sinusubukang mong malaman ang plano ng buhay mo na walang mga tao sa paligid, marahil ay hindi magiging maayos ang resulta nito tulad ng inaasahan mo. Kailangan natin ng mga tao para maipamuhay ang ating layunin. Kailangan natin ng mga tao para matuklasan kung sino tayo. Kailangan natin ng mga tao para hikayatin tayo, palakasin tayo, manalangin kasama natin, hamunin tayo, at tulungan tayo kapag tayo ay bumagsak at mabigo.

Magiging magulo ito. At hindi laging mayroong katuturan. Subalit kapag pinili mo na maging katulad ni Jesus at magmahal na parang si Jesus—mapapagtanto mo na ikaw ay patungo sa mas mabuting direksyon katulad ng pinag-usapan natin simula pa ng unang araw.

Isaalang-alang:Sino ang mga kaibigang maaaring napapalampas mo dahil gusto mo ng mga perpektong tao? 

Manalangin:Jesus, salamat at ipinakita Mo sa amin kung paano magkaroon ng isang pamayanan at sa pangako Mong magiging kasama ka namin kapag kami ay nagtipon-tipon. Tulungan Mo akong mas umasa sa Iyo at sa iba na inilagay Mo sa buhay ko. Tulungan Mo akong magmahal katulad ng pagmamahal Mo. Sa Iyong pangalan. Amen. 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Collective: Finding Life Together

Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/