Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa
![Collective: Finding Life Together](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16259%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pag-usapan natin ang tungkol sa pagliligawan at ang layunin at paano ito nagkakaugnay.
Lagi nating napag-uusapan ang kahalagahan ng mga relasyon, pero pag-usapan naman natin ang tungkol sa pagliligawan. Bilang isang Cristiano, ang pagliligawan ay pwedeng hindi maging komportable—minsan ay mapangahas—na paksa. Marahil dahil maraming mga iba't-ibang payo ang maririnig na hindi naman nakakatulong.
Bilang pasimula, pwede mong maalis ang ilang mga hindi kailangang pabigat na nailalagay sa relasyong pagliligawan. Ang mga tao ay palaging nag-uusap patungkol sa paghahanap ng "Natatanging Isa" at wala naman talaga nito. Walang kahit sinong tao ang makakabuo sa iyo. Si Jesus lamang ang makakatupad ng iyong pinakamalalim na pagnanais na makilala, makita at mahalin ayon sa kung sino ka talaga. Bagkus, naghahanap ka ng ibang tao na masigasig na hinahabol si Jesus at siyang makakatulong sa iyo upang maging mas mabuting tagasunod ni Cristo.
Hindi rin ibig sabihin nito na lahat ng "coffee date" na pinupuntahan mo ay kailangang maging isang paghahanap sa kasagutan sa tanong na: "Itong tao bang ito ay 'pwedeng maging asawa'?" Pwede mong makilala ang mga tao at marinig ang kanilang mga kuwento. Tumutok ka sa pagbuo ng pagkakaibigan, at huwag mong bigyan ng tensyon ang sarili mo habang sinusubukan mong isipin ang kinabukasan sa lahat ng mga taong sinasamahan mo sa paglabas.
Gayunpaman, maaari at dapat kang magtakda ng mga hangganan para sa mabubuting ugnayan. Magpasya ka kung paano ka makikipagligawan. Magtakda ng hangganan pagdating sa pisikal, espiritwal, at emosyonal na aspeto.
Gayunman, patungkol sa hangganan, ang dapat mong pakasiguraduhin ay hindi ka lumalapit sa linya. Ang layunin mo ay hindi dapat—ano ang gagawin ko para hindi ako tumawid sa linya? Ang layunin mo dapat ay—paano magdadala ng pinakamataas na parangal ang relasyong ito sa Diyos? Kapag iyon ang iyong layunin, magiging madali para sa iyo na magtakda ng hangganan para maprotektahan ang iyong sarili ngayon laban sa sakit na mararamdaman mo kinalaunan.
Mayroon ding tensyon sa pagitan ng pagkakaroon ng mga relasyon at sa paghabol sa iyong layunin, ngunit hindi kailangang mangyari ito. Huwag mong hintayin na maabot ang iyong layunin kapag ikaw ay nasa isang relasyon na, sa kadahilanan ulit—na walang isang tao ang bubuo sa iyo.
Sa halip, tanungin mo ang Diyos kung ano na ang susunod na tamang hakbang mo—at gawin mo iyon. Maghintay ka ng relasyon na may layunin sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng iyong layunin.
Maraming pamimilit na pumasok sa kolehiyo, maghanap ng relasyon, magkasundong magpakasal at magpakasal. Kahanga-hanga iyan sa ibang mga tao, subalit hindi ito ang pangkalahatang kuwento. At ito'y ayos lamang! Tumiwalag sa minimithi patungkol sa kung ano ang dapat mangyari at tamasahin ang panahon kung saan ka inilagay ng Diyos.
Ikaw man ay nasa isang relasyon o nag-iisa, ang Diyos ay mayroong plano para sa iyo, kaya pagtuunan ang paggawa ng susunod na tamang bagay at lalo pang mapamahal kay Jesus. Ang mga susunod na pangyayari ay maaayos na sa kani-kanilang lugar.
Isaalang-alang: Paano mag-iiba ang susunod mong relasyon (o kaya ay kasalukuyang relasyon) kung ang iyong layunin ay magiging "Paano magbibigay ng pinakamataas na parangal sa Diyos ang relasyong ito?" sa halip na "Ano ang gagawin ko para hindi tumawid sa linya?"
Manalangin: O Diyos, gusto kong parangalan Ka sa buhay ko. At kasama dito ang patungkol sa pakikipagligawan. Tulungan mo akong magtiwala at maging maginhawa sa kung sino ako at kung paano mo ako ginawa para ganap kong maisabuhay ang layunin ko—mag-isa man ako o maging seryoso ako patungkol sa isang tao. Tulungan mo akong maging isang taong magdadala sa kung sino man ang aking karelasyon na maging mas malapit sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Tungkol sa Gabay na ito
![Collective: Finding Life Together](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16259%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.
More