Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang MagkakasamaHalimbawa
Paano ba ako makakahanap ng mga kaibigan?
Napagtibay nating ang paghahanap ng mga kaibigan ay lubhang mahalaga para mahanap natin ang direksiyon ng ating buhay. Subalit ang gumawa ng mga kaibigan sa iyong katandaan ay maaaring nakakaasiwa at kakaiba ang pakiramdam. Kaya, paano ka makakahanap ng mga taong ito?
Una sa lahat, alam mo na ang Diyos ay tapat na magbigay. Sinasabi sa 1Juan 5:14 na hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa Kanya dahil alam nating ibibigay Niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa Kanyang kalooban. Ang pagkakaroon ng mga tao na makakasama mo sa buhay ay bahagi ng plano ng Diyos para sa atin. Kaya, nananalig tayong kapag tayo ay nanalangin sa Diyos na magdala Siya ng mga tao sa atin, gagawin Niya.
Sinasabi ni Jesus na katulad ng isang mabuting magulang na hindi magbibigay ng masamang regalo sa anak niya, kapag humingi tayo sa Kanya ng isang bagay, hindi Niya tayo lilinlangin. Kaya magdasal para sa tamang mga tao na darating sa buhay mo sa tamang panahon. At habang ikaw ay nagdarasal, makinig sa kung ano man ang maaring i-udyok ng Espiritu Santo na gagawin mo. Baka may isang tao na daraan sa trabaho mo isang araw na maaari mong mayaya ng tanghalian. Baka may makilala kang isang taong kasama mong naglilingkod sa simbahan.
Pero narito ang isang bagay. Ang paghahanap ng mga kaibigan ay nangangailangan ng paglabas sa iyong nakasanayan at malaman mong hindi maiiwasan kung minsan ang ikaw ay tanggihan. Upang tunay na mahanap mo ang lugar kung saan ka talaga nararapat sa buhay na ito, kailangan mong makipagsapalaran. Kailangan mong lumantad kahit hindi mo batid kung ano ang kahihinatnan o kung may tatanggap sa iyo. Sapagkat ang pagharap sa takot na matanggihan ay susi para sa ugnayan.
Kaya, kung pakiramdam mo ay mayroong isang tao na dapat mong tulungan, gawin mo. Hindi mo alam kung ikaw na rin ang sagot sa panalangin nila para sa komunidad.
Isaalang-alang: Sino ang mga taong inilagay ng Diyos sa buhay mo? Paano ka hahakbang palayo sa iyong nakasanayan para bumuo ng isang pagkikipagkaibigan sa kanila?
Manalangin: Oh, Diyos, salamat po sa pagiging mabuting Ama na nagmamalasakit sa bawat bahagi ng aming mga buhay. Ngayong araw na ito, hinihingi kong magdala Ka ng mga tao sa buhay ko. Tulungan Mo akong magkaroon ng lakas ng loob para mapaglabanan ko ang takot na matanggihan at makahanap ng tunay na ugnayan. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na mag-anyaya ng ibang tao sa buhay ko ngayong linggo. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.
More