Walang IkinababalisaHalimbawa
Maaaring isa sa mga kuwento ay nangusap sa iyo. O maaaring ang kuwento mo ng kabalisahan ay ibang-iba. Ngunit anuman ang laban sa kabalisahan na hinaharap mo, ang kaparehong Espiritu na muling bumuhay kay Cristo mula sa kamatayan ay nananahan sa iyo. At hindi ka Niya binigyan ng espiritu ng kahinaan ng loob,.
Hindi ibig sabihin na kung ikaw ay nakikipaglaban sa kabalisahan ay hindi sapat ang iyong pananampalataya. Hindi ibig sabihin na hindi ka nagtitiwala nang sapat sa Diyos. Ang totoo, ano kaya kung ang kabalisahan ang mismong bagay na tutulong sa iyong matuto na umasa at magtiwala sa Diyos? Posible kayang ang kabalisahan mismo ang maging sanhi ng paglapit mo sa Diyos?
Ang kabalisahan ay nagiging isang kaloob kapag tinutulungan tayo nitong magtiwala sa Diyos. Hindi ibig sabihin nito na titigil na tayo sa paghahanap ng tulong o pag-asa. Ang ibig sabihin nito ay alam natin na ang paghahanap ng kapayapaan ay isang proseso.
Kaya, posible ba talagang mamuhay nang walang ikinababalisa? Oo. Hindi ibig sabihin nito na kahit kailan ay walang anumang bagay na darating na nakakabalisa. Ngunit dahil kay Jesus, maaari tayong mabuhay nang walang ikinababalisa kahit na may bagay na nakakabalisa—hindi sa sarili nating kakayahan kundi dahil sa Kanyang presensya.Tingnan muli ang mga bersikulong ito:
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Filipos 4:6-7 RTPV05
Langhapin ang katotohanang iyan. Madalas ay nakatuon lang tayo sa salitang “kapayapaan,” ngunit ang sinasabi nito ay, “kapayapaan ng Diyos.” Ang totoong kapayapaan ay mahahanap lang sa presensya ng Diyos. Ano kaya kung ang sagot sa kabalisahan ay hindi mas kakaunting stress kundi mas higit pa ng Diyos?
Isipin: Paano ko mas maaanyayahan ang presensya at kapayapaan ng Diyos sa aking buhay?
Manalangin: Panginoon, salamat sa Iyong nananatiling presensya. Lumalapit ako sa Iyo ngayon na humihingi ng kapayapaang Ikaw lamang ang makakapagbigay. Ang nais ko ay higit Mo pa. Iniimbitahan Kita sa bawat bahagi ng buhay ko. Tulungan Mo akong sumandig nang mas lubos at ganap sa Iyo. Ibinibigay ko sa Iyo ang lahat ng kabalisahan at takot ko. Tulungan Mo akong mabuhay nang walang ikinababalisa sa pamamagitan ng pananalig sa Iyo. Nagtitiwala ako sa Iyo. Ibinibigay ko ang lahat sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Kung ikaw ay nakikipaglaban sa kabalisahan, o ang isang mahal mo sa buhay ay nakikipaglaban dito, may tulong na maaabot. href="https://finds.life.church/be-anxious-for-nothing-a-guide-to-finding-peace">Matutunan ang higit pa patungkol sa mga katangian ng kabalisahan, kung paano mo ito mahaharap, at kung paano mo matutulungan ang ibang mga nakikipaglaban dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.
More