Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang IkinababalisaHalimbawa

Anxious For Nothing

ARAW 3 NG 7

Posible ba talaga ang kapayapaan sa araw na ito? Hinanap ni Cheri ang kasagutan 11 taon na ang nakakaraan upang malaman ang kasagutan. Heto ang nadiskubre niya: 

Malinaw kong natatandaan. Ang araw na nagpasya akong hindi ko na kayang mamuhay nang ganito.

Heto ako, isang masugid na tagasunod ni Cristo, na ang tugon sa buhay ay katulad lang ng iba. Namumuhay ako sa takot at kabalisahan, ngunit alam kong hindi naman dapat ganoon! Pare-pareho ang mensaheng nababasa ko sa Salita ng Diyos na huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Ngunit parang imposible!

Maraming sinasabi ang Diyos sa Biblia patungkol sa takot at sa panlunas nito: kapayapaan. Sa isang pagkakataon, si Jesus at ang kanyang mga alagad ay tumatawid ng Lawa ng Galilea nang bigal na lang may malakas na bagyo na isinapanganib na ilubog sila.

Sinikap nilang lahat na huwag malubog, at ano ang ginagawa ni Jesus? Tulog na tulog Siya! Doon mismo sa kalagitnaan ng bagyo.

Tanong ng mga alagad, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Bumangon si Jesus at pinatigil ang bagyo, at naging tahimik ang lahat. Matapos ay tinanong Niya ang mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?” Marcos 4:40 RTPV05

Ganoon din ang buod ng mga pakikipag-usap ko sa Diyos. Nararamdaman kong tinatanong Niya ako kung bakit ako natatakot, at ang sagot ko ay, Hindi ba kitang-kita kung bakit? Tingnan mo ang sitwasyon ko! Sino ang hindi matatakot o kayang hindi matakot?

Sa aking paghahanap ng kapayapaan, maraming bagay ang naging napakalinaw.

  1. Ang aking sitwasyon ang nagtatalaga ng aking antas ng kapayapaan. Kung ayos ang lahat sa buhay ko, mapayapa ako. Kung pinalilibutan ako ng mga bagyo, nai-stress ako, balisa, at palaging pagod—hapung-hapo dahil sa aking mga emosyon. Tulad ko lang din ang mga alagad sa bagyo. Takot ako sa bagyo, naghihinanakit, at nalilito dahil inaakala kong bale-wala lang sa Diyos. Ngunit dinala ako ni Jesus sa sunod kong punto.
  2. Sinusubukan akong turuan ni Jesus na ang kapayapaan ay posible, anuman ang bagyo. Nauunawaan mo ba ang labanang ito? Hindi madali, 'di ba? Nahirapan pa rin akong unawain kung paano ako inaasahan ni Jesus na maranasan ang kapayapaan sa bagyo, nagtataka kung talagang nagmamalasakit Siya sa akin, nang dumating sa akin ang sunod na mahalagang pagkatuklas. 
  3. strong>Ang mga bagyo ang nagpapakita ng aking antas ng pagtitiwala. Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugang ang lahat ay ayos sa buhay mo. Nangangahulugan itong payapa ka kahit may mga bagyong yumayanig sa buhay mo. Hindi ko pa natutunang magtiwala sa Diyos at mahanap ang kapayapaan kahit nasa mga bagyo. Naranasan mo na ba ang balakid na iyan?

Malinaw sa akin na may kailangan pa akong matutunan. Ngunit natututunan kong ang daan tungo sa kapayapaan ay mahahanap sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagtutuon ng ating kaisipan sa Kanyang hindi kailanman nagugulantang ng mga bagyo. Hindi ito biglaang naganap, ngunit paunti-unti, higit pang kapayapaan at kapahingahan ang nagpasigla ng aking pagod at nanlulupaypay na kaluluwa. 

-Cheri  

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Anxious For Nothing

Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/