Walang IkinababalisaHalimbawa
Tumatakbo
Ang pamumuhay nang may pagkabalisa ay tila pamumuhay na laging may tinatakbuhan—kaya lang ang tinatakbuhan mo ay ang sarili mong buhay. Ang sindak ay nananatili sa iyong dibdib habang desperado kang makatakas tungo sa isang ligtas na lugar na tila hindi mo naman maabot. Mga alalahanin ay paikot-ikot sa iyong isip nang ubod ng tulin na halos hindi ka na makahinga, at nag-uumapaw ang takot, na nagdudulot ng kawalan ng kakayahang makapagpasya at pag-aalinlangan sa iyong sarili.
Pamilyar ba? May palagiang panggigipit na huwag nang magpahinga—hindi tumitigil ang mga email, tambak na ang mga notipikasyon sa ating mga telepono, at huwag nating kalimutan ang bitag ng pagkukumpara na hatid ng social media. Kaya, paano tayo mamumuhay sa kalagitnaan niyan, samantalang alam natin na bilang mga tagasunod ni Cristo, tinatawagan tayong mamuhay ng walang ikinababalisa?
Napakadalas ay nakokonsensiya tayo dahil iniisip natin na bilang mga Cristiano hindi tayo dapat makaramdam nito.
Ano kaya kung maaari tayong tumigil sa katatakbo mula sa isang bagay at simulang tumakbo sa isang tao?
Maaari nating gawin. Maaari mong gawin. Ang pangakong maaari tayong mamuhay nang walang ikinababalisa ay hindi nababatay sa anumang kaya nating gawin kundi sa presensya ng Diyos. Tingnan ang sinasabi sa Filipos 4:6-7 RTPV05:
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Sa ating sarili, wala tayong pag-asang labanan ang kabalisahan. Ngunit kasama ng Diyos? May karapatan tayo sa Kanyang presensya, na may alok sa atin ng kapayapaang ni hindi natin kayang simulang maunawaan.
Ano ang mas mainam pa tungkol sa pangakong iyan? Ito'y isang nagpapatuloy na proseso. Sa bawat sitwasyon. Sa bawat pagkakataong nagsisimula tayong maging balisa, maaari tayong pumunta sa Diyos para sa Kanyang kapayapaan sapagkat isang produkto ng presensya ng Diyos ang kapayapaan.
Hindi agad mawawala ang kabalisahan. Ito'y tuloy-tuloy, walang tigil na prosesong paghahanap ng Kanyang presensya. Sa loob ng mga susunod na araw, magbabahagi kami ng mga kuwento ng mga ordinaryong taong nakipaglaban sa kabalisahan at ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga pinagdaanan.
Nais mo bang matuto ng higit pa Anxious for Nothing? Tingnan ang serye ng mga kasamang mensahe upang makahanap ng higit pang kapayapaan.
*Kung ikaw ay nakikipaglaban sa anxiety disorder, mahalaga ang humanap ka ng tulong na iyong kinakailangan. Kung inaakala mo na ikaw ay may anxiety disorder, bisitahin ang iyong doktor. Hindi ka mahina dahil naghahanap ka ng tulong; ikaw ay matalino.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.
More