Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang IkinababalisaHalimbawa

Anxious For Nothing

ARAW 4 NG 7

Kinakatagpo tayo ni Jesus sa kalagitnaan ng ating kabalisahan, kahit na hindi natin Siya nararamdaman sa una. Unang naranasan ni Chelsea ang kondisyon na kabalisahan nang kakatapos niya lang ng kolehiyo. Ito ang kuwento kung paano siyang hinango ng Diyos mula sa kanyang kadiliman at dinala sa Kanyang kapayapaan.  

Ang pakiramdam ng takot, pag-aalala at matinding kalungkutan ay totoong-totoo sa akin. Halos hindi ako makakain dahil araw-araw akong nasusuka. Mahigit sa 12 oras akong natutulog gabi-gabi, ngunit tuwing umaga ay hirap na hirap akong bumangon mula sa higaan. Labis kong iniinda ang sarili kong isipan na sa mas maraming araw ay hindi man lang ako nagsasalita. Humingi ako ng tulong sa aking pamilya, sa isang doktor, sa isang tagapayo, sa mga pastor, at sa mga kaibigan, ngunit tila walang katapusan ang madidilim kong araw.

Lahat tayo ay nakakaranas ng madidilim na araw. At ang madidilim na araw na iyon ay maaring tumagal ng ilang linggo. O ilang buwan. O ilang taon. Ngunit kung alam ninyo ang kuwento ng Biyernes Santo, ang araw na ibinigay ni Jesus ang buhay Niya para sa inyo, alam ninyong may mabuting balita, mga kaibigan. Ang Biyernes ay madilim, ngunit paparating ang Linggo! 

May pag-asa tayo sa kadiliman, at may pangalan ang pag-asa natin. Ang pangalan Niya ay Jesus.

Sa pinakamadilim kong araw, isang Biyernes sa buwan ng Hulyo, sa wakas ay lumapit ako sa Kanya tulad ng paglapit Niya sa akin. Nanalangin ako: 

Jesus, tulungan Mo akong tanggihan ang mga kasinungalingan ng kaaway.
Jesus, tulungan Mo akong magapi ang balisang puso ko.
Jesus, tulungan Mo akong magtiwala na kontrolado mo ang lahat.
Jesus, tulungan Mo akong maniwala na ang Espiritu na muling bumuhay sa Iyong katawang namatay ay nananahan sa akin.

At matapos ang dalawang araw, sa araw ng Linggo, nagising ako na wala ang kabigatan ng matinding kalungkutan at wala na ang pakiramdam ng kabalisahan. Sa unang pagkakataon sa loob ng napakatagal na panahon, naramdaman ko ang Kanyang kapayapaan. At naranasan ko ang mahimalang pagpapagaling na maaari lang maipaliwanag na ito ay dahil sa kabutihan ng Diyos.

Noong madidilim kong araw, binigyan ako ni Jesus ng pag-asa. Kahit noong hindi ko Siya maramdaman, naroon Siya. Sa bawat araw na pakiramdam ko ay malayo ako sa Kanya, hinihila Niya akong papalapit sa Kanya.

Hindi ko alam kung mararanasan mo ang biglaan, mahimalang pagpapagaling mula sa iyong paghihirap tulad ng naranasan ko. Ngunit nasisiguro kong kasama mo ang Diyos sa hirap. 

Nauunawaan ni Jesus ang paghihirap ng tao. At nagmamalasakit Siya. Lubos Siyang nagmalasakit na iniwan Niya ang langit upang mamatay para sa atin upang wakasan nang ganap ang ating kadiliman.

Sinasabi ng Biblia: … sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Juan 1:4-5 RTPV05

Parating na ang Linggo. 

-Chelsea  

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Anxious For Nothing

Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/