Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang IkinababalisaHalimbawa

Anxious For Nothing

ARAW 2 NG 7

Ano kaya kung mas mailalapit ka ng kabalisahan kay Jesus? Isang taon ang iginugol ni Jordan sa pananalangin na mawala ang kanyang kabalisahan hanggang sa may natuklasan siyang mas malalim—isang mas malakas na relasyon kay Jesus. Maaaring may naranasan ka ring natutulad sa kanyang pinagdaanan: 

“Mamamatay na yata ako.”

Iyan mismo ang naisip ko nang maraming gabing hindi ako makatulog noong nakalipas na taon. Susubukan kong makatulog, ngunit magigising na lang sa sindak nang walang partikular na dahilan. Naninikip ang aking dibdib. Para akong sinasakal, at hindi ako makahinga sa ilang pagkakataon. Paulit-ulit itong nangyari, at kalaunan nagpasiya na lang akong matulog sa sopa para hindi ko na magising ang asawa ko. 

Isang araw, pumunta ako sa doktor at ipinaliwanag ko ang aking mga sintomas—ang pananakit ng dibdib, ang hirap na makatulog, at ang mga atake ng pagkasindak. Pagkatapos ng dalawang pagsusuri sa loob ng ilang pagbisita sa doktor, sinabi niya na ako ay mayanxiety (kondisyon na kabalisahan). Maaari ba akong magpakatotoo? Pakiramdam ko lagpak ako bilang isang Cristiano. Hindi ba ako nananalangin tungkol dito sa tamang paraan? Hindi ko dapat pinagdadaanan ito, iniisip ko sa aking sarili, dapat ay may kapayapaan ako at hindi kabalisahan—iyan ang sinabi ni Jesus na dapat gawin!

Pagkatapos kong sundin ang payo ng doktor at simulang uminom ng kaunting gamot, patuloy akong nanalangin na mawala na ang aking kabalisahan. Ayoko na itong kaharapin.

Sa 2 Corinto 12, sa salin na RTPV05, inilarawan ni Pablo ang kanyang “kapansanan sa katawan.” Samantalang hindi natin matitiyak kung ano ang “kapansanan” na iyon ni Pablo, ang kabalisahan ay nasisiguro kong kapareho ng pakiramdam para sa maraming tao, kasama na ako. Sinabi ni Pablo na idinalangin niya sa Panginoon ng tatlong beses na alisin ito, ngunit, ang sabi sa kanya ni Jesus ay, “Ang papapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo, lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” ( dinagdagan ng diin)

Ang pagpapala ni Jesus ay sapat, ano man ang sitwasyon. Habang sinisimulan kong manalangin para sa kagalingan, sinimulan ko ring mas lumapit kay Jesus. Tulad ni Pablo, hindi pa inaalis ng Diyos ang aking “kapansanan.” Subalit, nakikita ko sa sarili ko ang mas maalab na pagbabasa ng Salita Niya, at mas nananalangin ako ngayon kaysa kahit kailan sa nakaraan.

Ang akala ko ay kailangan ko ng kagalingan mula sa aking kabalisahan (anxiety). Ngunit ang totoo nito, ang kailangan ko pala ay higit pa ni Jesus sa buhay ko. Ngunit, hindi ko sinasabing kung mas malapit ako kay Jesus ay hindi ako magkakaroon ng kabalisahan. Hindi rin ako titigil sa pananalangin na mawala na itong kabalisahan ko. Patuloy akong nananalangin na mapalaya sa kapansanang ito na tulad ng ginawa ni Pablo. 

Ngunit may mas magandang nangyayari sa akin kaysa sa agarang mapagaling mula sa kabalisahan: Namumuo sa akin ang mas malalim na pagkaunawa sa Diyos at mas masaganang relasyon kasama Niya. 

Imbes na manalangin lang para sa kapayapaan, nakita ko ang sarili kong mas lumalapit sa Prinsipe ng Kapayapaan. Kapag nagsimula akong mabalisa tungkol sa aking kinabukasan, pinaalalahanan ko ang sarili ko na Siya ang Alpha at ang Omega—ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.

Ipinanalangin kong mawala ang aking kabalisahan, ngunit mas mainam pa ang nahanap ko: ang napakadakilang, puspos ng pag-ibig na presensiya ni Jesus sa aking buhay—kahit sa gitna ng kabalisahan.

-Jordan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Anxious For Nothing

Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/