Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang IkinababalisaHalimbawa

Anxious For Nothing

ARAW 5 NG 7

Nakokonsensiya ka ba na ikaw ay isang Cristiano na hindi “hindi balisa tungkol sa anumang bagay”? Ang pagiging balisa ba ay nagiging sanhi ng higit pang kabalisahan dahil pakiramdam mo hindi mo dapat nararamdaman ito? Ganoon ang kalagayan ni Lori hanggang sa matuklasan niya ang isang bagay na nagbago ng lahat. 

Magulo ang buhay mag-asawa namin. Inaako ko ang responsibildad ng pagpapalaki sa tatlong anak, dalawa sa kanila ay mga tinedyer (Panginoon, tulungan Mo ako!) nang mag-isa. Nagtatrabaho, nagluluto, naglilinis, naghahatid-sundo ng mga bata, nag-aayos, nagbabayad ng utang, sumusuporta, nagmamahal, nagtutustos—lahat ay kargo ko. Grabe na ang kabalisahan ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. 

Sinusubukan ko ang lahat ng maisip ko: pagpapapayo, pag-iisip nang malalim, gamot, musika, ehersisyo, pagbigkas ng Banal na Kasulatan, lahat na! Walang makapag-alis nito. Pero huwag mong isiping walang kabuluhan lahat iyon, tiyak na nakatulong ang mga bagay na iyon. Natutunan kong gamitin ang mga bagay na kailangan ko upang maisentro ako muli kay Cristo. Ngunit nahihirapan pa rin ako. Ngayong binabalikan ko ang nakaraan, isang bagay na napagtatanto ko ay ang hindi ko sinubukan ay ang “hindi subukan.”

Kung sasaliksikin mo ang Banal na Kasulatan, ang dami mong makikitang mga bersikulo patungkol sa pagkabalisa. Alam ko dahil naghahanap ako ng mahiwagang pormula na matutulungan akong mapagtagumpayan ang lahat ng ito nang minsanan. Sa aking paghahanap, may nahana akong hindi ko inaashan. Kailangan ang masusing atensyon, ngunit sa mga siping ito ay may mga ipinahihiwatig na tagubilin mula sa ating Ama na wala tayong dapat gawin. Oo, seryoso—wala.

Sa Mateo 11:28 RTPV05, sinasabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.” Siya ang nagtatrabaho rito, hindi tayo. Kailangan lang nating lumapit sa Kanya.

Sa Juan 14:27 RTPV05, sinasabi Niya, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo…” Nakikita mo na ba ang tema? Siya ang nagbibigay sa atin ng kapayapaan. Siya ang nagbibigay sa atin ng kapahingahan. Wala tayong gagawin. 

Muli sa Mateo 6:25-34 RTPV05, sinasabi ng kilalang sipi na ito na huwag mabalisa, dahil ang Diyos ay “dinaramtan ... ang damo sa parang,” tayo pa kaya ay hindi Niya lalo pang aalagaan? Sinasabihan tayong “higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos... at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan”. Tama ang nabasa mo—nakita mo ba yon? Ibibigay!

Ang Diyos ay nagbibigay. Siya ang may mga kasagutan, at sagot Niya tayo . May mga bagay na hindi natin kayang gawin mag-isa, ngunit iyon mismo ang pagkakadisenyo Niya. Upang kailanganin natin Siya.

Lahat ng mga bagay na ikinabalisa ko ay naayos din kalaunan, sa isang paraan o iba pa. Ngunit hindi hanggang nagawa kong huminga, magpahinga, talagang lumapit kay Jesus, tumahimik, bitawan ang mga detalye, sinabi sa Diyos na pinagtitiwalaan ko Siyang lubos—at natutunang walang gawin—na sa wakas ay nahanap ko ang kapayapaan. Kalaunan, ang mga panalangin ko ay hindi na gaanong patungkol sa aking sitwasyon at mas patungkol sa aking pagtitiwala sa Kanya. 

Kung kailangan mong gawin ang kapareho, talagang hinihikayat kitang magpahinga sa Kanya. Maaari mo Siyang pagtiwalaan. Heto ang aking idinadalangin kapag ako ay muling natatabunan ng kabalisahan: 

Mahal kong Panginoon,

Lumalapit ako sa Iyo upang humingi ng tulong. Ikaw ang lahat sa akin. Panginoon, kailangan ko ng kapahingahan. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking kabalisahan. Kunin Mo ito, Panginoon. Tinatanggap ko ang Iyong kapayapaan, pagmamahal, at pag-unawa. Tulungan Mo akong bumaling sa Iyo at hindi sa sarili ko. Tulungan Mo akong tumigil sa paggawa at magsimulang magtiwala. Tulungan Mo akong hintayin ang Iyong mga kasagutan, dahil alam kong mabuti ang mga iyon. Bigyan Mo ako ng karunungan, pag-asa at kapayapaan. Salamat po, Panginoon, para sa Iyong tiyaga at kagandahang-loob. Mahal Kita, at alam kong mahal Mo ako nang higit pa sa kaya kong isipin.

Amen.

-Lori

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Anxious For Nothing

Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/