20/20: Nakita. Pinili. Ipinadala. Ni Christine Caine Halimbawa

MAHALIN NATIN ANG ATING KAPWA
Isang dalubhasa sa kautusang Judio ang lumapit kay [Jesus] upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” tanong niya. Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?” Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’” Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.” Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?” Lucas 10:25-29 RTPV05
Ang kuwento ng Mabuting Samaritano ay isang talinghaga na sinabi ni Jesus tungkol sa isang tao na nasa maling lugar sa maling oras, inatake ng mga tulisan, iniwan na halos patay, itinapon sa gilid ng kalsada at iniwan para mamatay.
Sa kuwentong ito, ang una at ikalawang tao na nakakita sa lalaki ay mga taong relihiyoso—isang Judiong pari at isang Levita—na alam ang Salita ng Diyos at may mga posisyon ng awtoridad sa sinagoga. Nilampasan siya ng dalawa. Ang ikatlong lalaki, na hindi relihiyoso, ngunit isang katutubo ng Samaria, ay naantig ng habag. Pinuntahan niya siya.
Lahat sila ay papunta sa iba't ibang lugar, ngunit isa lamang ang pumayag na maabala at maistorbo. Isa lang ang nagbigay ng kanyang oras at kayamanan. At nagkataong isa siyang Samaritano—isang lalaking mula sa lahi at kultura ng mga taong hinahamak ng mga Judio. Ang taong ito ay umibig gaya ng pagmamahal ng Diyos, na sinira ang hadlang ng pagtatangi at diskriminasyon. Minahal niya ang kanyang kapwa gaya ng kanyang sarili.Pagkatapos sabihin ni Jesus ang kuwentong ito, nagbigay Siya ng tagubilin: “Sige, ganoon din ang iyong gawin.” (Lucas 10:37).
Noong una kong nalaman ang ilegal na pagbebenta ng mga tao, ginamit ng Diyos ang kuwentong ito para gabayan ako sa aking hinaharap. Binigyang-diin Niya ang isang punto sa akin: “Pinuntahan niya siya” (Lucas 10:34).
Ako ay isang babaeng napakaraming ginagawa, ako'y isang asawa, isang ina ng dalawang anak, na maraming kailangang gawin, ngunit nais ng Diyos na ihinto ang aking buhay at ang aking mga plano para sa Kanyang layunin. Nais ng Diyos na tumawid ako sa daan para sa mga taong hindi ko pa nakikilala at hindi ko alam na naririyan. Gusto Niyang hanapin ko ang mga nawawalang lalaki, babae at bata na nakulong sa modernong pang-aalipin.
Sino ang iyong kapwa?
Para sa akin, ang mga biktima ng ilegal na pagbebenta ng mga tao ay kapwa ko. Ang mga taong nakakasalamuha ko sa mga simbahan ay mga kapwa ko. Ang babaeng nakatira sa kabilang kalye ay kapwa ko. Ang taong walang tirahan na nakikita ko ay ang aking kapwa. Ang taong nangangailangan ng maibibigay ko ay ang aking kapwa.
Kung nais nating maabot ang ating mundo, kailangan nating makita na ang lahat ay ating kapwa. Ang bawat tao ay karapat-dapat sa ating pagmamahal anuman ang kanilang mga paniniwala, kilos o ugali, dahil nakikita sila ng Diyos na kaibig-ibig at tinutubos sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.
PANALANGIN
O Diyos ko, pinipili kong tumawid sa kalsada, tulungan ang aking kapwa, mahalin sila gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili. Salamat sa palaging pag-uudyok sa akin, at pagtulong sa akin na matandaan, na para sa kanila, hindi ako masyadong abala. Sa pangalan ni Jesus ako ay nananalangin, amen.
Halaw mula sa 20/20: Seen.Chosen.Sent ni Christine Caine. Copyright © 2019 ni Christine Caine. Muling nailimbag nang may pahintulot ng Lifeway Women. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naisip mo na ba ang pakiramdam na talagang nakikita ka ng Diyos na hindi mo maiwasang makita ang iba? Naisip mo na ba ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay ay may napakahalagang epekto para sa walang hanggan? Ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Christine Caine ay tutulong sa iyo na matuklasan kung paano ka nakita, pinili, at ipinadala ng Diyos upang makita ang iba at tulungan silang madama na nakikita sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila—na may 20/20 na paningin.
More