Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

20/20: Nakita. Pinili. Ipinadala. Ni Christine Caine Halimbawa

20/20: Seen. Chosen. Sent. By Christine Caine

ARAW 2 NG 7

PINILI KA NG Diyos

“Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.  Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!” - Mga Taga Efeso 1:3-6 RTPV05

“Christine?” tanong ni nanay. “Nagsasabi na rin lamang tayo ng katotohanan, gusto mo bang malaman ang buong katotohanan?”

Edad 33 ako noong panahong iyon, at alam ko sa paraan ng pagtatanong ni nanay na ang tanong na iyon ay iisa lang ang ibig sabihin.

Nagmadali ako papunta sa kanyang bahay para makialam sa kung ano ang alam ko ay hindi maaaring totoo. Ang kapatid kong lalaki, si George, ay nakatanggap ng sulat na siya ay ampon. Pumasok ako sa pinto ng bahay ni nanay habang si George ay inabutan kong iniaabot ang sulat sa kanya.

Hindi ko makakalimutan ang kanyang mga kamay na nagsimulang manginig. Yung takot na pumuno sa kanyang mata. Yung mga salitang hindi maapuhap. At pagkatapos ay iyong mga luha na nagsimulang dumaloy sa mga mata nang walang katapusan, mula sa aming lahat.

Nang makapagsalita siya, naririnig ko ang pagkawasak ng kanyang puso. “Pasensya ka na na sa ganitong paraan mo nalaman, George. Hindi namin gustong saktan ka. Minahal ka ng ama mo. Mahal kita. Hindi kita kayang mahalin ng higit sa kung ako mismo ang nagsilang sa iyo.”

Natatandaan kong nagpunta ako sa kusina, at naghain sa mesa ng pagkain, dahil kung may isang paraan kung paano nilulutas ng mga pamilyang Griyego ang anumang problema: kumakain kami. 

Noong abutin ko ang baklva nang tinanong ng nanay ko ang pagbubulalas na tanong, at kahit papaano, alam ko. Hinahanap ko sa mga mata niya ang sagot, na sana ang sagot ay kahit ano basta hindi yung nasa isip ko, nasabi ko sa kanya: “Ampon din ako.”

Ilang minuto ang nakaraan, sinabi niya ang pinaka-magandang salita sa akin. Mga salitang nagbigay ng lunas. Inulit pa niya ito sa akin nang mga sumunod na linggo. 

“Minahal na kita bago pa kita nakilala.”

 Hanggang sa araw na ito, pinahahalagahan ko ang mga salitang iyon. Ang mga iyon ay puso ng isang ina para ipaalam sa akin na hinangad niya ako, gusto niya ako, at pinili niya ako, hindi pa man niya ako nakikita. 

Kapag iniisip ko ang mga salitang iyon, hindi ko maiwasang marinig ang puso ng aking Ama sa langit, ang Siyang naghangad din sa akin. Ang tanging pumili sa akin bago pa ako piliin ng nanay ko.

Siya rin ang pumili sa iyo.

PANALANGIN

O Diyos, salamat sa pagpili mo sa akin bilang anak, at bilang isa na magdadala sa iyong anak, si Jesus, sa mundong ito. Dalangin ko na bigyan mo ako ng lakas at tapang hindi lamang makita ang mga tao gaya ng kung paano mo sila tinitingnan, kung hindi sa pamamagitan ng pananampalataya ay lapitan sila upang marating sila ng pag-ibig mo. Para tulungan silang maramdaman na sila ay pinili mo. Amen.

Hango mula sa 20/20: Seen.Chosen.Sent by Christine Caine. Copyright © 2019 by Christine Caine. Reprinted with permission of Lifeway Women. All rights reserved.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

20/20: Seen. Chosen. Sent. By Christine Caine

Naisip mo na ba ang pakiramdam na talagang nakikita ka ng Diyos na hindi mo maiwasang makita ang iba? Naisip mo na ba ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay ay may napakahalagang epekto para sa walang hanggan? Ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Christine Caine ay tutulong sa iyo na matuklasan kung paano ka nakita, pinili, at ipinadala ng Diyos upang makita ang iba at tulungan silang madama na nakikita sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila—na may 20/20 na paningin.

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.christinecaine.com/2020study