Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

20/20: Nakita. Pinili. Ipinadala. Ni Christine Caine Halimbawa

20/20: Seen. Chosen. Sent. By Christine Caine

ARAW 4 NG 7

IKAW AY ASIN AT LIWANAG

Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. -Mateo 5:13-15 RTPV05

Bata pa akong mag-aaral sa kolehiyo nang magkaroon ako ng kaibigan na mukhang nasa kanya na ang lahat—kagandahan, mataas na grado, tagumpay, kayamanan. Lahat ng naramdaman kong wala ako. Gayunpaman, naging malapit kami sa isa't isa. Kaya, nang mawala siya sa loob ng tatlong araw at hindi sinasagot ang aking mga tawag, natural na naalarma ako. Nang bigla na lamang siyang lumitaw sa ikatlong araw, nalaman kong siya ay nasa isang party kung saan halos lahat ay uminom ng droga upang manatiling gising. Sabi niya, “Sobra-sobrang pagmamahal. Labis ang kagalakan. May matinding kapayapaan kaya't ako'y natangay." At pagkasabi noon ay inilabas niya ang isang munting bulaklak. "Napakasaya noon, Chris, kaya ayokong hindi mo ito maranasan, kaya't ipinagtabi kita ng kalahating tableta."

Pasimple kong tinanggihan ang kanyang alok, ngunit nataranta ako. Ilang taon pa lang ang nakakalipas nang ibinigay ko ang buong buhay ko kay Jesus, at hindi ko maiwasang isipin, Mahal na mahal ka ng babaeng ito, na ayaw niyang hindi mo maranasan ang pagmamahal at kagalakan at kapayapaan mula sa isang droga. At ikaw, Christine, nasa loob mo ang Banal na Espiritu ng Diyos, na siyang pinagmumulan ng pag-ibig at kagalakan at kapayapaan. Christine, nahihiya kang magsalita tungkol sa Diyos, dahil naisip mo na hindi niya Siya kailangan, samantalang ang isang bagay na higit niyang kailangan ay ang Diyos.

Pagkatapos, umiyak ako. Ipinangako ko sa Diyos na hinding-hindi ko hahayaang ang pagkahilig ng sinuman sa anumang bagay—droga, pera, tagumpay o kahit isang layunin—ay maging higit pa kaysa sa pagmamahal ko sa Kanya at sa kahandaan kong humayo at sabihin sa mga tao kung sino Siya.

Bakit madali nating nakikilala ang mga taong magulo ang buhay bilang mga kailangang hanapin ngunit nabibigo tayong kilalanin na kahit ang mga taong tila nasa kanila na ang lahat ay nawawala rin? Hindi ba gusto ng Diyos na maunawaan natin na ang mga nawawalang tao ay kamukha ng lahat ng tao?

Mula noong araw na iyon, hindi ko kailanman nakalimutan na mayroong isang hugis-Diyos na puwang sa bawat puso ng tao na tanging si Jesus lamang ang makapupuno, at kailangang marinig ng lahat ang tungkol sa Kanya.

PANALANGIN

O Diyos, tulungan Mo akong maging asin at liwanag saanman ako magpunta sa lahat ng aking makasalubong. Tulungan akong tumingin at makita...ang mga wasak at ang nawawala... anuman ang hitsura nila. Tulungan akong makaramdam ng habag at lakas ng loob na abutin at hilahin ang isang tao ngayon. Sa pangalan ni Jesus, ito ang dalangin ko, amen.

Halaw mula sa 20/20: Seen.Chosen.Sent ni Christine Caine. Copyright © 2019 ni Christine Caine. Muling nailimbag nang may pahintulot ng Lifeway Women. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

20/20: Seen. Chosen. Sent. By Christine Caine

Naisip mo na ba ang pakiramdam na talagang nakikita ka ng Diyos na hindi mo maiwasang makita ang iba? Naisip mo na ba ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay ay may napakahalagang epekto para sa walang hanggan? Ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Christine Caine ay tutulong sa iyo na matuklasan kung paano ka nakita, pinili, at ipinadala ng Diyos upang makita ang iba at tulungan silang madama na nakikita sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila—na may 20/20 na paningin.

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.christinecaine.com/2020study