20/20: Nakita. Pinili. Ipinadala. Ni Christine Caine Halimbawa
NAKIKITA KA NG DIYOS
Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.” -1 Samuel 16:7 RTPV05
Sa isang biyahe namin maraming taon na ang nakaraan, lumabas ako para bumili ng kape bago sumakay ng eroplano ang buong pamilya namin. Nauna na si Nick kasama ng mga anak naming babae para makaupo na sila. Pagbalik ko sa gate, papunta na ako sa terminal papunta sa tulay ng eroplano nang sinulyapan ako ng isang empleyado ng airline at sabi niya, "Hindi ka papasok, mam."
Sa pagkagulat ko, tinanong ko siya ano ang ibig niyang sabihin.
“Kung mayroon kang oras para umalis at kumuha ng kape, wala kang oras para sumakay ng eroplano.”
NaguIat ako. Hindi ko maintindihan. Alam ko na hindi pa lampas sa oras ng pagsakay. “Bukas po ang pinto, mam. Mangyaring kunin mo ang boarding pass ko at hayaan mo akong makasakay.”
Hindi siya natinag.
“Ma’am, nasa loob po ang asawa at mga anak ko,” sabi ko. “Pakiusap hayaan mo akong makasakay.”
Hindi siya kumikibo.
Naalala ko yung pakiramdam na sobrang walang magawa, sobrang nagulat, sobrang walang-halaga. Hindi siya nagpakita ng awa sa akin, walang malasakit sa pagkahiwalay ko sa aking pamilya. Nakatingin siya sa akin, pero hindi niya ako nakikita.
Nakasakay din ako sa wakas sa eroplano, pero hinding-hindi ko makakalimutan kung ano ang ipinaramdam sa akin ng babaeng yun. Pero, alam ko na mas maraming beses na umasta ako nang tulad niya kaysa umasta ako katulad ni Jesus—nang tumingin ako, pero hindi ko pinansin. Napakadali sa atin na lampasan ng tingin ang mga weyter na nagsisilbi sa atin, ang manikurista sa salon o ang tindera sa tindahan. Gaano ka-natural sa atin na nakatitig lamang tayo sa ating mga telepono at nakakalimutan nating pansinin ang barista na nagbigay sa atin ng kape? Ilang beses na tayo ang hindi nakakapansin sa iba?
Ang pagtingin ay hindi pareho ng pagpansin. Yung babae sa gate ay tumingin sa akin, pero hindi niya ako see pinansin. Itinuon niya ang tingin niya sa akin, pero hindi niya nakuha o siguro hindi niya lubos na naunawaan ang sitwasyon ko.
Gusto ng Diyos na tayo ay tumingin at masdan! Gusto Niyang tingnan natin ang ibang tao gamit ang Kanyang mga perspektibo—lalo na sa mga tao na araw-araw nating nakakasalubong.
PANALANGIN
Amang nasa Langit, buksan mo po ang mga mata ng aking puso nang makita ko ang mga tao at hindi na muling balewalain. Tulungan Mo ako na iparamdam sa mga tao sa paligid ko na sila ay nakita, kinilala, nadinig, marangal at binigyang-halaga. Gamitin Mo ang pag-aaral na ito para ipakita sa akin kung paano ako maaaring lumago para makita ang iba ng mas malinaw kaysa dati, para makita sila kung paano Mo sila tinitingnan. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Hinango mula sa 20/20: Seen.Chosen.Sent ni Christine Caine. Copyright © 2019 by Christine Caine. Reprinted with permission of Lifeway Women. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba ang pakiramdam na talagang nakikita ka ng Diyos na hindi mo maiwasang makita ang iba? Naisip mo na ba ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay ay may napakahalagang epekto para sa walang hanggan? Ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Christine Caine ay tutulong sa iyo na matuklasan kung paano ka nakita, pinili, at ipinadala ng Diyos upang makita ang iba at tulungan silang madama na nakikita sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila—na may 20/20 na paningin.
More