Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa
Tagumpay Laban sa Kamatayan
Nang namatay si Jesus para sa ating mga kasalanan at tinubos ang ating kapatawaran, niligtas Niya tayo mula sa walang hanggang pagkakawalay sa Diyos. Pinalitan Niya ang kawalan ng pag-asa dala ng kamatayan ng buhay na pag-asa para sa isang walang katapusang hinaharap sa presensya ng Panginoon. At nang Siya ay muling nabuhay mula sa libingan, ipinakita ni Jesus ang pangwakas na tagumpay laban sa kamatayan, na nagpapatunay lamang na walang binatbat ang kapangyarihan nito sa Kanya. Sa Pahayag 1:18, idineklara niya, "Ako ang simula at ang wakas, at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo, ako'y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay."
Habang isang mapait na realidad ang kamatayan para sa buhay natin ngayon, habang ating pinagdadaanan ang sakit ng mawalan ng minamahal at kalaunan ay kakaharap sa ating sariling katapusan, maaari na tayong kumapit sa katotohanan na hawak ni Jesus ang mga susi ng kamatayan, at nagawa na Niya ang daan patungo sa walang hanggang buhay. Ang kamatayan sa kalupaan ay hindi katapusan ng kuwento. Napakarami pang kasunod nito! Ipinangako ni Jesus sa Juan 11:25 na, "Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay."
Dahil nailigtas tayo ni Jesus mula sa pamamalagi ng kamatayan, hindi natin kailangan sayangin ang ating mga buhay sa takot. Tayo ay malaya na mamuhay nang mapangahas, magkaroon nng masasaganang mga buhay, sa pag-iisip na anuman ang mangyari sa mundong ito, tayo ay walang hanggang mamumuhay sa presensya ng Diyos at sa pamayanan ng Kanyang pamilya. Kahit tayo ay nagluluksa para sa ating mga mahal sa buhay, tayo ay nagluluksa nang may pag-asa, sa pag-iisip na kung nananampalataya sila kay Jesus, tayong lahat ay magkakasamang muli at makakaranas ng kaluwalhatian ng Diyos nang magkakasama
Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, hayaang dumaloy sa iyong puso ang mga implikasyon ng tagumpay ni Jesus laban sa kamatayan at ibaling ang iyong pananaw mula sa karupukan ng ating buhay ngayon patungo sa walang hanggang seguridad ng kalangitan. Tunay na walang kirot ang kamatayan! Ipagdiwang ang Kanyang tagumpay, mapuno ng pasasalamat, at mabuhay sa iyong pananalig na lahat ng nasa mundo ay kailangang magkaroon ng pag-asa ng kalangitan na mayroon ka. Iyon ang nasa Kanyang puso noong mamatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan: na wala sa bawat isa sa atin ang malayo nang walang hanggan sa Kanya. Walang mas mabuting paraan upang ipahayag mo ang iyong pasasalamat para sa Kanyang nagawa para sa iyo maliban sa ipahayag sa mundo ang tungkol sa Kanyang pag-ibig para rito. Ito ang paraan upang ating malubos ang buhay natin dito. Kaya humayo ka at mamuhay nang lubos at may kasaganaan. - dahil Siya'y buhay!
I-download ang larawan para sa araw na ito dito.
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.
More