Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa

Jesus: Our Banner of Victory

ARAW 2 NG 7

Tagumpay Laban sa Pagkakasala 

Isa sa mga ninanais ni Satanas na mangyari ay upang tayo ay mamuhay sa kadiliman ng pagkakasala mula sa ating nakaraan. Alam niyang kahit tayo ay naniniwalang namatay si Jesus para sa ating mga kasalanan, ngunit dala-dala pa rin ang bigat ng ating kasalanan, hindi tayo tuluyang nakatatanggap ng biyaya at kalaunan ng Kanyang pagpapatawad. Tayo ay maninirahan sa anino ng ating pinakamasamang kasalanan. Sa Juan 9:5, tinutukoy ni Jesus ang Kanyang sarili bilang ilaw ng sanlibutan. Ngunit sa Mateo 5:14 at 16, sinabi rin ni Jesus, "Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago...Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit." Hindi kailanman tayo inaasahan ni Jesus na maging ilaw para sa Kanyang kaluwalhatian kung hindi Siya nagbigay ng daan palabas ng kadiliman ng pagkakasala.

Sinasabi sa atin ng Awit 103:10-12 na hindi natin kayang masukat ang pag-ibig ng Diyos para sa atin at kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran gayon din Niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Noong namatay si Jesus sa krus, walang hanggan Niyang kinuha ang bigat ng kasalanan mula sa mga naniniwala sa Kanya. Malaya na nating natatanggap ang Kanyang pagpapatawad, malaya na tayong namumuhay nang walang pagkakasala, at nararamdamang tanggap at napapaloob sa presensiya ng Diyos.

Habang tayo ay papalapit sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Jesus, ating sariwain na ang Kanyang kamatayan ay hindi lamang tinubos ang pagpapatawad mula sa ating kasalanan, bagkus pati ang awtoridad na tanggalin ang bigat ng pagkakasala.Ang pagkakautang ng iyong kasalanan, kabilang ang iyong pinakamabigat na kasalanan, ay nabayaran na ng dugo ni Jesus. Lumakad sa Kanyang kalayaan ngayon! 

I-download ang larawan para sa araw na ito dito

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus: Our Banner of Victory

Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com