Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa

Jesus: Our Banner of Victory

ARAW 6 NG 7

Tagumpay Laban sa Tukso

Hindi natin kailangan ng sinuman upang paalalahanan tayo na ang tukso ay totoo—hindi kailanman noon ay naging handa ang mundo sa isang klik ng buton. Ngunit kahit kailan ba ay tumitigil tayo upang pakaisipan ang mga tiyak na paraan na ginagamit ni Satanas upang tuksuhin tayo? Kailangan nating maunawaan kung paano nangyayari ang tukso, upang mas mahusay tayong makapagsanggalang laban rito.

Sa Genesis, tinukso ni satanas si Eva sa pamamagitan ng pag-uusisa sa Salita ng Diyos at sa Kanyang mga motibo, at ang kanyang tugon ang nagdala ng kasalanan at kamatayan sa mundo. Sa 2 Samuel, pinili ni Haring David na manatili sa kanyang palasyo sa "panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari," at pinalabas ang buong hukbo ng Israel upang makipaglaban sa kanyang lugar. Kung naroon siya sa lugar kung saan siya nilayon ng Diyos, hindi sana siya mag-iisa at hindi niya makikita si Batsheba. Tuloy, nagkaroon ng pagtataksil at pagpatay sa kuwento ni David. At noong si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo sa Mateo 4, sinubukan ni satanas na tuksuhin ang Anak ng Diyos mismo sa pamamagitan ng pagbanggit ng Banal na Kasulatan.

Ang kalaban ay patuloy na kumikilos upang ating pagdudahan ang Salita ng Diyos, ang Kanyang plano, at ang Kanyang puso para sa atin. Kung kaya tayong bitagin ni satanas sa usapang ito, madali niyang madadala ang kaguluhan at pasakit sa ating mga buhay. Ngunit alam ni Jesus kung paano dumanas ng tukso na pagdudahan ang Diyos - sa katunayan, pinagdaanan Niya ang bawat tukso na ating napagdadaanan - at binigyan Niya tayo ng paraan upang tanggihan ito at lumakad sa kalayaan. Nang pinagbayaran ni Jesus ang pagkakautang ng ating kasalanan sa krus, sinira niya ang kapangyarihan ng kalaban sa sangkatauhan. Dahil sa kanyang sakripisyo, tayo ay hindi na napapailalim sa awtoridad ni satanas!

Mahalagang alalahanin na ang paglalakad sa tagumpay ni Jesus laban sa tukso ay nangangahulugan ng malaking pagkusa mula sa ating bahagi. Dapat nating makilala araw-araw na ang kalaban ay patuloy na susubukang bawiin ang kanyang teritoryo sa ating mga buhay at dapat nating sagutin ito sa pamamagitan ng pagiging alisto, pagtatayo ng mga pananggalang upang protektahan ang ating buhay sa kalayaan kay Cristo, paghingi ng tulong ng Diyos sa harap ng tukso, at pagpapalibot sa ating mga sarili ng mga makaDiyos na kaibigan na makakatulong sa atin. Sinabi ni apostol Pablo sa Mga Taga-Efeso 6 na kailangan nating aktibo na isuot ang sandatang pandigma na kaloob ng Diyos upang mapaglabanan natin ang mga pakana ng diyablo.

Sa pagpapatuloy natin sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, paalalahanan mo ang iyong sarili na tinanggal na ni Jesus ang kapangyarihan ng kalaban sa iyong buhay. Magdasal sa pamamagitan ng Mga Taga-Efeso 6:10-18 at isuot ang Kanyang sandatang pandigma araw-araw. Pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay sa iyo ng lakas upang mamuhay sa kalayaan laban sa tukso, at hingin ang Kanyang tulong sa pagpapalakas ng iyong pagka-alisto sa mga bahagi ng iyong buhay na mahina rito. Tutulungan ka Niya na makilala ang iyong mga kahinaan at bibigyan ka Niya ng kapangyarihan upang mapanindigan ang iyong paniniwala laban sa kalaban. Sa tagumpay ni Jesus, hindi ka magagapi!

I-download ang larawan para sa araw na ito dito

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus: Our Banner of Victory

Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com