Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa
Tagumpay Laban sa Kahihiyan
Gustong-gusto ng kalaban na magsalita. Sinasabi ng Salita ng Diyos na si Satanas ay umaaligid tulad ng isang umaatungal na leon na naghahanap ng masisila. Sa Pahayag, siya ay tinutukoy bilang ating taga-usig; ipinahayag sa atin na tayo ay kanyang inuusig sa harap ng Diyos araw at gabi. Tuso si Satanas, at alam niyang isa sa mga pinakaepektibong paraan upang patayin, nakawin, at sirain ang ating bigay-ng-Diyos na potensyal ay ang lumikha ng komentaryo tungkol sa ating kasalanan na makakapagkulong sa atin sa kaisipan na hindi tayo karapat-dapat. Nais niyang mamuhay tayo sa kahihiyan.
Ang pagkakasala ay tungkol sa ating nagawa, ngunit ang kahihiyan ay tungkol sa kung sino tayo. Marami sa atin ay tanggap na pinapatawad tayo ng Diyos sa ating nagawa ngunit pinapayagan niya pa ring usigin tayo ng kalaban at talunin tayo gamit ang mga kasinungalingan tungkol sa kung sino tayo talaga. Ang mga kasinungalingang ito ang nagpaparalisa sa atin upang yakapin at gampanan ang hangarin ng Diyos para sa ating mga buhay. Tayo ay tinawag upang gamitin ang mga kaloob at mga kakayahan na ibinigay sa atin ng Diyos upang gumawa ng isang pagbabago dito sa mundo, ngunit kung hindi tayo makakalaya mula sa kahihiyan at pakiramdam na hindi tayo karapat-dapat, hindi natin kailanman magagawa ang nilikha Niya para sa atin na gawain.
Nang ipagpalit ni Jesus ang ating kasalanan para sa Kanyang pagkamakatuwiran sa krus, ginawa Niya tayong bago. Kung anuman tayo noon ay wala nang halaga kung sinuman tayo ngayon. Tayo ay mga anak ng Diyos, buong-buong pinatawad, nasasakupan ng kanyang pagpapala, at pinagkalooban ng dakilang gawain para sa Kanyang kaluwalhatian. Ito lang ay sapat na upang ipabatid ang ating pagkakakilanlan. Ang tinig ng kahihiyan na sumasalungat sa katotohanan ay pawang isang kasinungalingan.
Sa buong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, alalahanin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa iyo, ang Kanyang anak, at lupigin ang anumang kaisipan na hindi ayon sa Kanyang Salita. Naparito si Jesus upang tayo'y mabuhay nang lubos. Itapon ang kahihiyan, at pagsumikapan ang katuparan ng iyong banal na hangarin!
I-download ang larawang para sa araw na ito dito.
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.
More