Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa
Tagumpay Laban sa Takot
Sa mundo natin ngayon, na tampol ng mga balita at napalilibutan ng para bang walang katapusang agos ng mga masasamang balita, napakadaling makaramdam ng takot. Takot tayo sa hindi natin alam, takot sa sakit at kawalan, takot na wala tayong kakayahan upang magtagumpay. Ngunit nang tinanggap ng ating walang bahid ng kasalanan na Tagapaligtas ang krus upang tubusin ang ating mga kasalanan, ipinakita Niya sa atin ang perkpektong pag-ibig. Pag-ibig na kayang talunin ang lahat ng mga epekto ng kasalanan at kadiliman sa mundo, kabilang na ang takot.
Sinasabi sa atin ng 1 Juan 4:18 na "walang kasamang takot ang pag-ibig." Sa pamamagitan ng Kanyang dakilang pagpapakita ng pag-ibig sa krus, inangkin ni Jesus ang tagumpay laban sa takot, at iniimbitahan Niya tayong makibahagi sa tagumpay na iyon. Nais Niyang mamuhay tayo nang may kapayapaan sa ating isipan, puso, at espiritu. Ngunit nasa sa atin na iyon kung tatanggapin at mamumuhay tayo sa mapagtagumpay na kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig. Ayon sa Mga Taga-Roma 8:38, sinabi ni apostol San Pablo na walang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin pag-ibig ng Diyos. Tayo, rin, ay may pagkakataon na magkaroon ng pananalig na hindi natitinag sa pag-ibig ng Diyos para sa atin at manatili sa kapayapaang dala ng pag-ibig na iyon. Kung ikaw man ay magkaroon ng sandali kung saan nag-aalinlangan ka sa abot ng pag-ibig ng Diyos para sa iyo, ang kailangan mo lamang gawin ay ang tumingala sa krus.
Kapag kumakatok ang takot, mayroon kang mapagpipilian: Ang magpatalo rito, o ang alalahanin ang matagumpay na pagpapakita ng pag-ibig ni Jesus at piliing maniwala na napagtagumpayan na Niya ang laban para sa iyong kapayapaan. Kapag para bang puro na lang mali ang nangyayari sa iyong mundo, tumindig ka sa katotohanang ang takot ay walang kapangyarihan sa iyo. Angkinin mo ang Kanyang kapayapaan, at lumakad sa kumpiyansang ikaw ay ganap na pinangangalagaan ng Kanyang pag-ibig!
I-download ang larawan para sa araw na ito dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.
More