Jesus: Ang Ating Watawat ng TagumpayHalimbawa
Tagumpay Laban sa Sakit
Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na dahil sa Kanyang mga sugat tayo ay gumaling. Noong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, tinalo Niya ang lahat ng uri ng kasalanan, kamatayan, at sakit sa lahat ng kawalang-hanggan. Kamangha-mangha na, sa pamamagitan Niya, tayo ay nakikibahagi sa tagumpay na ito! Pero ano nga ba ang kahulugan ng tagumpay laban sa sakit para sa atin na mga nabubuhay pa sa isang mundong makasalanan?
Sa Bagong Tipan, makikita natin ang mga halimbawa ng mga kahanga-hangang pagpapagaling na ginawa ni Jesus at pati na rin ng mga Apostol sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pangalan. Sa ating pagbabasa sa mga pagpapatotoong ito, madaling isipin na sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin patungkol sa sakit sa isang paraan: biglang pagkawala ng sakit, buong kagalingan mula sa isang walang lunas o terminal na diagnosis, o ang kumpletong tagumpay mula sa pagkabalisa. Pero ano nga ba ang ating gagawin kung ang ating nararanasan ay hindi tugma sa ating inaasahan? Kailangan natin maging maingat na hindi limitahan ang hindi kapani-paniwalang lalim ng tunay ng paggaling.
Sinabi sa atin ni apostol Pablo sa Mga Taga-Roma 8:28 na sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Hindi ibig sabihin nito na ang lahat ng nangyayari ay maganda - hindi tinanggal ng tagumpay ni Jesus laban sa kasalanan at kamatayan ang mga pagsubok natin sa mundo. Sa katotohanan, sa Juan 16:33, pinangako rin ni Jesus na tayo ay magdaranas ng kapighatian sa mundong ito, at ang sakit ay walang dudang kasama sa mga paghihirap na ating kinakaharap. Habang ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng mga himala, hindi tiyak na tayo ay magkakaroon ng buong kagalingan sa panig na ito ng langit. Ngunit sigurado tayo sa walang-hanggang tagumpay na tiyak na dala ng ating kaligtasan. Tayo ay mamumuhay ng walang hanggan sa presensiya ng Diyos, na puno ng kaligayahan at nang may buong kalayaan mula sa sakit, kasalanan, at pagkabalisa.
'Wag kang panghinaan ng loob dahil sa isang panalangin na tila di nasasagot o sa isang sagot na hindi tugma sa iyong mga inaasahan. Totoong naririnig ng Diyos ang iyong mga panalangin, at sa lahat ng bagay, Siya ay kumikilos para sa iyong ikakabuti at sa Kanyang kaluwalhatian. Habang tayo ay nagpapatuloy sa pahanon ng Pasko ng Pagkabuhay, hingin mo sa Diyos na ika'y bigyan ng pananaw para sa walang hanggan. Sa tuwing aalalahanin natin ang katotohanan ng Kanyang kaharian, tayo ay nakapagdarasal nang may katapangan at nakalalakad nang may pagtitiwala na sa gitna ng kahit anong pagsubok na anuman ang maging bunga, tayo ay panalo.
I-download ang larawan para sa araw na ito: here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ating ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, walang hanggan Niyang nagapi ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan, pati ang lahat ng epekto ng mga ito, at pinili Niyang ibahagi ang tagumpay na iyon sa atin. Ngayong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ating balikan ang ilan sa mga muog na Kanyang napaglabanan, at pagnilayan ang laban na Kanyang ginawa para sa atin, at papurihan Siya bilang ating Watawat ng Tagumpay.
More