Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 3 NG 16

Araw 3
Ang Iyong Laging Kaaliwan

Ginawa Mo kami para sa Iyong Sarili, O Panginoon; at ang aming mga puso ay nababalisa hanggang sa sila ay magpahinga sa Iyo. —Augustine

Ang buhay ay pagpupunyagi. Sasabihin sa iyo ito ng lahat ng tao. Saan man tayo humantong, nakikipagbuno tayo sa malaking hanay ng mga problema at kahirapan—pananalapi, emosyonal, pisikal, atbp. At sa bawat problema na kinakaharap natin, walang kakulangan sa iminumungkahing solusyon. Ang isa sa mga dapat puntahang mungkahi na naririnig natin na mula sa mga ama dito sa lupa ay “ayusin mo ito sa iyong sarili” at “magsikap ka nang husto.”

Ngunit hindi katulad ng anuman sa mga pananaw na iyon, ang ating nasa langit na Ama ay nagsasabi sa atin ng isang bagay na sumasaklaw sa anumang problema na ating maaaring harapin:

Ang PANGINOON ay tumugon, “Sasamahan ko kayo, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan. (Exodo 33:14)

Bibigyan tayo ng Diyos ng kapahingahan? Ang ilan sa atin ay may mga ama na patuloy na nagtutulak sa atin sa hangganan ng mental at pisikal na pagkapagod. Iba ang Diyos Ama. Inaaliw Niya tayo. Oo, mayroon Siyang mga bagay na dapat nating gawin—at ang mga bagay na iyon ay napakahalaga—ngunit malinaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng lakas ng Diyos na gumagawa sa pamamagitan natin, sa halip na gamitin natin ang ating lakas na gawin ang mga bagay para sa Kanya.

“Ako ang [Diyos]ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko sila sa aking mga bisig; ngunit hindi nila nalaman na pinagaling ko sila. Akin silang pinatnubayan ng panali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig. Sa kanila ako'y naging gaya ng nag-aalis ng pamingkaw sa kanilang mga panga at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila” (Hoseas 11:3-4)

Sa talatang ito mula kay Hoseas, nakikita natin na ang Diyos ay hindi lamang nag-aalis ng ating pasanin, kundi NAIS Niya na kunin ang mga iyon dahil sa Kanyang walang hanggang pag-ibig sa atin! Walang limitasyon sa kung ano ang kaya Niyang gawin para sa iyo. Ito ay nagdadala sa isang napakalalim na tanong:

Saan ka nakikipagbuno sa pamamagitan ng iyong sariling lakas, sa halip na ipagkatiwala ito sa Ama na nagmamahal sa iyo?

Dakilang Diyos, kunin ang mga pasanin na inilagay ko sa aking sarili. Hindi ko kayang harapin ang mga ito nang mag-isa. Pinapakawalan ko sa Iyo kung anuman ang sinubukan kong gawin na mag-isa. Hindi na ako susubok sa aking sarili. Nagtitiwala ako sa Iyong lakas upang ako ay patuloy na magpahinga sa Iyong kaaliwan. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/