Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 5 NG 16

Araw 5

Ang Iyong Perpektong Probisyon

Kung ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat at alam ang lahat, kung minamahal Niya tayo at perpekto at banal sa lahat ng Kanyang ginagawa, kung gayon ang lahat ng kanyang ibinibigay at lahat ng kanyang ipinagkakait ay nararapat na kilalanin bilang isang magandang kaloob mula sa Kanya, kahit na hindi natin ito makita nang ganoon. —T. A. Hillard 

Kung minsan ang mga tao ay naglalagay ng mga hindi makatuwirang inaasahan sa Diyos. Umaasa sila sa mga bagay na hindi Niya ipinangako at pagkatapos ay nadidismaya kapag hindi nila ito makukuha agad. Ngunit hindi binibigay ng Diyos ang lahat ng gusto natin. Ibinibigay Niya kung ano ang ating kailangan.

Alam ni Moises ang dakilang pangangailangan niya at ng mga Israelita para sa presensya ng Diyos. Hindi lamang ito pagnanais; alam ni Moises na ito ay isang pangangailangan. 

Pagkatapos ay sinabi ni Moises sa Kanya… “Paano malalaman ng sinuman na ikaw ay nalulugod sa akin at sa iyong bayan maliban na ikaw ay sumama sa amin? Ano pa ang pagkakaiba ko at ng iyong bayan sa lahat ng mga tao sa balat ng lupa?" At sinabi ng PANGINOON kay Moises, "Gagawin ko ang hiling mo….” (Exodo 33:16-17)

Alam ng Diyos na ang kahilingan ni Moises ay sumasalamin sa tunay na pangangailangan para sa kanilang misyon—ang Kayang presensya. Kaya sinabi ng Diyos na gagawin Niya ito, at Siya ay nagbigay sa kanilang pangangailangan dahil Siya ay isang perpektong Tagapagbigay. Narito kung bakit:

  • Ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat. (Mga Awit 50:10-12)
  • Ang Diyos ay mapagbigay. (Mga Gawa14:16-17)
  • Alam ng Diyos ang ating mga pangangailangan. (Mateo 6:31-32)

Samakatuwid, hindi lang tayo humihiling sa Diyos kung ano ang ating inaasahan na ibibigay Niya, subalit tayo ay may kumpiyansa na Siya ay nagbibigay ng mga bagay na talagang kailangan natin ngayon!

Masasabi mo ba kung ano ang pagkakaiba ng iyong mga hangarin at kung ano ang alam ng iyong mapagmahal na Ama na kailangan mo? Naniniwala ka ba na ang Diyos ay nagbibigay sa iyo ngayon ng lahat ng tunay mong kailangan, kung paano Siya ay magbibigay sa iyo sa hinaharap

Dakilang Diyos, salamat na IYONG ibinibigay ang lahat ng kailangan ko ngayon. Dalangin ko na gawin Mong napakalinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang gusto ko at kung ano ang tunay kong kailangan. Salamat sa Iyong pangako ng pagbibigay para sa aking kinabukasan, katulad ng ginawa mo kahapon, at noong araw bago iyon. Amen.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/