Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa
Araw 7
Interesado at Nagbibigay ng Pansin
Laging tumugon sa bawat udyok na manalangin. Ang udyok na manalangin ay maaaring dumating kung ikaw ay nagbabasa o kung ikaw ay nakikibaka sa isang salita. Gagawa ako ng isang ganap na batas dito—laging sundin ang udyok na ito.— Martyn Lloyd-Jones
Gaano kahalaga ang mararamdaman mo kung ang iyong ama ay may 3 bilyong numero ng telepono ng mga bata sa kanyang iPhone, at ang numero mo ay isa sa mga ito? Gaano kalaking atensyon ang maibibigay ng isang tao sa maraming batang iyon? Halos wala. Ngunit ang ating Ama sa langit ay walang limitasyon sa Kanyang kapangyarihan, karunungan, o kakayahan na nariyan kahit saan para sa lahat sabay sabay! Nilinaw Niya ito sa Kanyang pakikipag-usap kay Moises nang sinabi Niya:
Gagawin ko ang hiling mo sapagkat ako'y nalulugod sa iyo at kilalang-kilala kita.” (Exodo 33:17)
Ilang taon na ang nakalipas, nakaupo ako kasama ang mga libu-libong mga mag-aaral sa kolehiyo sa isang kumperensiya sa Urbana sa Universidad ng Illinois. Ang arena ay punong-puno hanggang sa bubungan. Sa isang punto ng programa, hiniling nila sa aming lahat na 20,000 na manalangin… nang malakas. Ako ay nabigla hindi lamang sa ingay o ang pinagsama-samang epekto, kundi sa simpleng katotohanan na kaya ng Diyos na marinig ang bawat panalangin at sagutin ito nang perpekto.
Para sa Diyos Ama, bawat panalangin na sinasambit natin ay ang tanging Kanyang naririnig. Walang mga panalangin sa paligid. Bakit?
Dahil Siya ay interesado.
“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.” (Lucas 12:6-7)
Alam ng Diyos ang iyong pangalan, at ito ay laging nasa Kanyang puso. Kung mayroon kang tinik sa iyong paa, nagmamalasakit Siya dito—kahit na magkaroon ng mga pagbaha at taggutom sa lahat ng dako ng planeta. Maaari Niyang ibigay sa iyo ang 100% ng Kanyang atensyon at hindi magkukulang sa iba. Iyan ang iyong kahalagahan sa mata ng Diyos!
Ama, ako ay nagpapasalamat na ikaw ay nakikinig sa panalanging ito at makapagbibigay ng 100% na atensyon sa akin! Salamat sa pagiging interesado sa akin, sa pagmamalasakit sa akin, sa pagmamahal sa akin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.
More