Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 1 NG 16

Araw 1
Ang Isa sa mga Ito ay Hindi Katulad ng Isa

Hindi mahalaga kung sino ang aking ama; ang mahalaga ay kung sino siya sa pagkakaalala ko. Anne Sexton

Madalas ay ibinabase ng mga tao ang kanilang pananaw sa Diyos sa sinumang tinatawag nilang "ama" sa buhay na ito. Ngunit ang makalupang mga ama ba ay isang magandang larawan ng ating makalangit na Ama? Ang Diyos ba ay katulad nila?

Depende.

Para sa ilan sa atin, ang “ama” ay nagdudulot ng kaaliwan at seguridad. Para sa iba, ang pag-iisip sa tunog ng mga yapak ng ating ama ay nagpapataas ng likas na hilig upang magtago. Maaari mong lingunin ang iyong ama at sabihing, “Kung ang Diyos ay katulad ng aking ama, ayaw kong magkaroon ng kinalaman sa Kanya.”

Kaya kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa “Diyos Ama,” ang ating isip—hindi ang ating mga emosyon—ang dapat mangibabaw. Kailangan nating gumawa ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng ating makalupang ama at ng ating makalangit na Ama. Gagamitin ng Banal na Espiritu ang Biblia—hindi ang ating mga damdamin o mga karanasan sa lupa—para maging gabay natin sa pag-alam natin kung ano ang ibig sabihin ng “Diyos Ama.”

Suriin ang hiling ni Moises sa aklat ng Exodo—at ilapat ito habang sinasaliksik natin sa Banal na Kasulatan ang mga katangian ng Diyos bilang ama:

Kung ako'y nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, at ako'y makatagpo ng biyaya sa iyong paningin. (Exodo 33:13 ABTAG01)

Sa mga sipi kasunod ng kahilingan ni Moises, ang Diyos ay tumugon sa pamamagitan ng pagpapakita ng hindi bababa sa labing-apat na katangian ng ama tungkol sa Kanyang sarili—ang bawat isa ay pinalalakas sa maraming iba pang mga bahagi sa buong Biblia.

Ang mga katangiang ito ay nagsisilbing magandang modelo para sa mga ama dito sa lupa, ngunit hindi intensyon nito na maging pangongonsensya na magpapahiya sa atin upang mas maging mahusay pa. Sa halip, dapat nilang hikayatin ang lahat ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng magandang balita ng ating perpektong magulang na nagpapahalaga, nagtatangi at nagmamahal sa atin.

Ama, dalangin ko na ang anumang maling akala ko tungkol sa Iyo ay maalis ng katotohanan ng Iyong Salita. Gusto Kitang makilala at gusto kong malaman ang tungkol sa Iyo sa makatwirang paraan na walang mapanlinlang na emosyon. Mangyaring tulungan akong linisin ang aking isipan upang maakay ako ng Iyong Espiritu sa katotohanan. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/