Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa
Araw 2
Sasamahan Ko Kayo
Ang unang katangian ng ama sa Exodo ay isa sa mga pinakamahalaga para sa anumang uri ng relasyon: Siya ay naririyan.
Ang PANGINOON ay tumugon, “Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan. (Exodo 33:14)
Nang magtanong si Moises kung sino ang sasama sa kanya, sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita.” Makikita natin ito sa buong Banal na Kasulatan. Saan ka man pumunta, naroroon ang Diyos.
Ang aking ama ay malimit na maglakbay nang ako ay bata pa. Nang kami ay naninirahan sa Inglatera, si Itay kung minsan ay nasa Estados Unidos sa loob ng ilang buwan sa bawat biyahe. Miss na miss namin siya. Ang isa sa mga dahilan kaya kami lumipat sa Milwaukee noong 1970 ay upang mas mamuhunan ang aking ama sa aming buhay—upang mas "naririyan" siyang palagi. Sa mga taon na wala siya, itinuro ng aking ina ang “Pagiging Ama ng Diyos.” Itinuro niya sa akin na Siya ay lagingnaririyan, kahit nasaan man ako o kung anuman ang aking ginagawa. Habang wala si Itay, ako ay napilitang hanapin ang Diyos sa Kanyang Pagiging Ama sa aking buhay… at ang Kanyang presensya ay naging isang katotohanan sa akin.
Ang Diyos ay kasama mo ngayon, kahit na binabasa mo ang mga salitang ito, masalimuot na nakibahagi sa iyong indibidwal na buhay bilang isang Amang laging naririyan. Walang bundok na napakataas, walang libis na napakababa, walang ilog na napakalawak upang ilayo Siya sa iyo. Maaari mo ring subukan na tumakas mula sa Diyos o tumalikod sa Kanya, ngunit sa sandali na tumigil ka, malalaman mo na naririyan pa rin Siya sa iyo.
Isaalang-alang ito:
Ang PANGINOON, mong Diyos ay kasama mo, ang Magiting na Mandirigma na nagliligtas. Siya ay magagalak sa iyo; sa kanyang pag-ibig siya'y tatahimik, ngunit magagalak sa iyo na may awitan. (Zefanias 3:17)
Hindi mo lamang kasama ang Diyos, kundi NASISIYAHAN Siya na kasama ka! Ninanais Niya na mahalin ka sa lahat ng posibleng paraan.
Dakilang Diyos, salamat sa Iyong palagiang presensya. Salamat sa pagmamahal Mo sa akin ng sapat na hindi mo ako iiwan kailanman. Tulungan mo ako na tandaan na Ikaw ay kasama ko sa lahat ng oras. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.
More