Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 4 NG 16

Araw 4
Ito ay Tungkol sa Kung Sino ang Nakakakilala sa Iyo

Mababago ba natin ang ating ugali, hindi lang dapat nating makita ang buhay na iba, kundi ang buhay mismo ay magiging iba. Katherine Mansfield

Nagtayo ako ng kapilya para sa Milwaukee Brewers maraming taon na ang nakakaraan. Ito ay malaking bagay. Kung saan ako dating nakatira, ang Brewers ang mga diyos ng bat, bola at baseball diamond. Ang bawat deboto na taga-Wisconsin ay nanonood sa kanila sa TV. Ang mga may kakayahang bumili ng tiket ay sasali sa pilgrimage patungo sa Country Stadium. Pero para makapasok sa locker room? Iyan ang pinakaloob na santuario ng templo na kung saan walang sinumang mortal ang makakaisip na pumunta.

Ako ay “nakapasok,” gayunpaman. Si Paul Molitor ang kapitan ng koponan, ngunit dahil kilala ko siya, ako ay pinatuloy sa mga locker. Pinayagan pa nga akong makipag-usap sa mga manlalaro nang harapan. Ibinahagi ko ang katuruan sa BibIia sa buong grupo, at sila ay nakinig… ang lahat ay dahil kay Paul. Siya ang nag-angat sa akin sa ibang antas sa mata ng mga kamangha-manghang atleta. Sila ay nakahandang makinig sa akin dahil sa aking relasyon sa kanya.

Ang mga bagay-bagay ay ganoon din sa Diyos at sa mga Israelita:

Pagkatapos ay sinabi ni Moises sa kanya… "Paano malalaman ng sinuman na ikaw ay nalulugod sa akin at sa iyong bayan maliban na ikaw ay sumama sa amin? Ano pa ang pagkakaiba ko at ng iyong bayan sa lahat ng mga to sa balat ng lupa?” (Exodo 33:16)

Ganito rin ang ginawa ng Diyos Ama para sa atin. Ang Kanyang presensya sa ating buhay ang bumubukod sa atin sa iba. Nakikilala Niya tayo. Bilang Kanyang mga anak, tayo ay binago sa espiritwal at natatangi sa mundong ito… at ginagawang kaakit-akit ang ating mensahe ng tunay na Buhay kay Cristo sa mga naghahanap para sa katotohanan at kahulugan.

Ama, dalangin ko na iangat Mo ang uri ng aking pamumuhay sa paraang maliwanag na naiiba ako sa sanlibutan. Hayaang maging halimbawa ako kung ano ang buhay sa Iyo upang ang iba ay makakilala sa Iyong kahanga-hangang katangian. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/