Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa
Araw 6
Ang Lahat ng Kaluguran Ay Sa Kanya
Ang aking pinakamalalim na kamalayan sa aking sarili ay ako ay mahal na mahal ni Jesu-Cristo at wala akong ginawa upang makamit o maging karapat-dapat dito. — Brennan Manning, The Ragamuffin Gospel
Marahil ito ay sa pamamagitan ng sining, marahil sa pamamagitan ng nagniningas, galit na mga sermon… Hindi ko sigurado kung saan, ngunit sa isang banda marami sa atin ang nakakakuha ng kaisipan na ang Diyos Ama ay galit—at Siya ay nakaupo sa langit sa isang ulap… nagbibilang…sa lahat ng oras. Siya ay may listahan ng mga batas at patakaran sa kanyang isang kamay at isang kidlat sa kabilang kamay. Hinihintay ka lang Niyang magkamali. At kapag nagkamali ka? Boom!
Tama ba iyon?
Malayo. Tingnan kung ano ang sinabi ng Diyos kay Moises nang hilingin niya ang presensya ng Diyos:
“Gagawin Ko ang hiling mo sapagkat ako'y nalulugod sa iyo…” (Exodo 33:17)
Kinalulugdan Tayo ng Diyos.
Sinabi ng Diyos kay Moises na Siya ay kasama nila dahil Siya ay nalulugod sa kanya. Marahil sasabihin mo, “Oo, dahil si Moises iyon.Hindi ako si Moises.” Si Moises ay dapat na maging dakila at makadiyos na lider, tama? Dapat, ngunit hindi. Alam mo ba kung ano ang nangyari bago ang talatang ito? Ang mga taga-sunod ni Moises ay gumawa ng malaki at gintong guya at sumamba dito sa halip na sa Diyos. Kung si Moises ay dapat na maging isang dakilang lider, di ba dapat ang kanyang mga taga-sunod, marahil ay, susunod? Ngunit ang katotohanan, ang kanyang bayan ay nasa magulong kalagayan… katulad natin, katulad mo rin. Ngunit, nalulugod pa rin ang Diyos sa atin, sa kabila ng ating hindi magandang ginagawa.
Panginoon, napakahirap maunawaan na kahit na ang sangkatauhan ay wasak, mahal Mo pa rin kami—kahit sa pinakamalalang pagkakataon. Salamat sa paghahanap ng kaluguran sa akin kay Cristo kung saan nakikita lang ng mundo ang kabiguan! Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.
More