Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 10 NG 16

Araw 10

Ang Lubos na Pagtitiyaga ng Diyos

Panginoon, bigyan Mo ako ng pagtitiyaga, at bigyan Mo ako nito NGAYON! —Unknown

Natatandaan mo ba nang banggitin ko na madalas na ibinabase ng mga tao ang kanilang pananaw sa Diyos batay sa kung ano ang kanilang mga ama sa lupa? Bagama't marami sa atin ang may mahusay, mapagmahal na ama, ang ilang mga tao ay may imahe ng ama na patuloy na nagagalit sa kanyang pamilya. Marahil ay naglalabas siya ng stress mula sa ibang bahagi ng kanyang buhay patungo sa pinakamalapit at hindi gaanong lumalaban na pinagmulan. O baka inilalagay niya ang mga taong pinakamalapit sa kanya sa napakataas na pamantayan at hindi makatwiran ang reaksyon kapag hindi sila natutugunan. Anuman ang pinagmulan, ang mga galit na ama ay maaaring humantong sa mga tao na isipin na ang Diyos Ama ay tulad ng kanilang ama—galit sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay. Hindi lang iyon mali kundi salungat sa sinasabi sa atin ng Biblia!

Inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili kay Moises bilang Ama na “…hindi madaling magalit…” (Exodo 34:6). At umawit si David tungkol sa Ama sa mga salitang tulad nito:

Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal, hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.... Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon SIYA nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok, itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. (Mga Awit 103:8,13-14)

Matiyaga ang Diyos Ama.

Hindi ko ito madaling natututunan. Nakapag-coach ako ng basketball sa mga nakaraang taon. Noong nasa elementary pa lang ang anak kong si Liam, na marami pang mga taon ng pag-aaral na dadaanan, inaasahan ko (nakakahiya) na siya ang nasa kinalalagyan ko noong naglaro ako sa kolehiyo! Makikita ko kung ano ang kanyang ginagawa, aasahan ang ibang bagay, haharapin siya gamit ang "coach" lingo, at makikita ang kanyang mga mata na lumuluha. Hay, kung minsan ay hinihiling ko na ang Diyos ang nagtuturo sa pangkat na iyon at hindi ako! Wala akong tiyaga sa kanya, at inaasahang magiging kung ano siya balang araw.

Alam ng Diyos ang ating mga kahinaan. Alam Niya kung paano tayo ginawa, at binibigyan Niya tayo ng pang-unawa kung saan ang iba'y maaaring tanggalin na tayo. Nakakamangha, nakikita Niya tayo bilang tayo ay “na kay Cristo” at alam na alam Niya kung sino ang Kanyang hinuhubog ayon sa kung magiging sino tayo. Kinikilala Niya ang proseso ng pag-unlad at paglago at lubusan Siyang nagtitiyaga sa atin habang tumatahak tayo sa landas. Ewan ko sa inyo, ngunit lubos akong natutuwa na mayroon tayong isang Ama na ganun!

Aming Ama, ang Iyong pasensya ay mahaba, malalim, at mapagmahal. Hindi ako karapat-dapat sa ganitong pagmamalasakit, kaya't salamat sa ganitong pagkalinga sa akin. Dalangin ko na ang pasensyang ito ay maipakita sa aking buhay habang nakikipag-ugnayan ako sa iba para makita nila kung ano ang ginawa Mo sa akin! Amen.

​ ​

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/