Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig Ka ng Ama ni Pete BriscoeHalimbawa

The Father Loves You By Pete Briscoe

ARAW 13 NG 16

Araw 13

Walang-Salang Kapatawaran

Hay! Napakahirap itago ang kasalanan sa anyo ng isang tao. —Ovid

Ang kasalanan ay malaki... at mabigat. Tulad ng isang angkla ng tingga na nakatali sa ating mga paa, ang mga nakaraang kasalanan—malalaki at maliliit—ay maaaring magpalubog sa atin sa karagatan ng kahihiyan. Nagiging sanhi ito ng ilan sa atin na lubos na naniniwala na ang ating mga kasalanan ay hindi mapapatawad ng tao (na maaaring totoo), at kung minsan maging ng Diyos (na hindi totoo!). Maaari nating isipin na ang Diyos ay hindi nais na patawarin tayo, o mas malala pa, na hindi Niya tayo patatawarin.

Gayunpaman, tulad ng maraming beses noong una pa, alam natin mula sa Biblia na kabaligtaran nito ang Diyos.

“…pinapatawad ang kasamaan, pagsuway at kasalanan.” (Exodo 34:7)

Siya ay mapagpatawad. Pinapatawad ng Diyos Ama ang tunay na naniniwala sa Kanya. Pinapatawad Niya ang lahat, at ginagawa Niya ito nang lubusan.

Sapagkat kung paanong ang mga langit ay mataas kaysa lupa,
ang kanyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kanya ay gayon kadakila!
Kung gaano ang layo ng silangan sa kanluran,
gayon inilayo niya sa atin ang ating mga pagsuway. (Mga Awit 103:11-12)

Maaaring kailanganin mong pagnilayan iyon saglit.

Ang Biblia ay isang paglalarawan ng mapagpatawad na katangian ng Diyos. Nagtatapos ito sa Bagong Tipan sa katauhan ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng paraan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ang lahat ng ito ay dahil Siya ay isang mapagpatawad na Ama.

Siya [si Jesus] ay ibinigay sa kamatayan para sa ating mga kasalanan at muling binuhay para sa ating katwiran. (Mga Taga-Roma 4:25)

O Diyos, hindi ako karapat-dapat sa Iyong pag-ibig, at lalong hindi sa Iyong kapatawaran dahil sa aking kasalanan. Maraming salamat sa pagkakaroon ng habag, sa pagiging mapagbigay, sa pagiging matiyaga sa akin. Hindi Mo lamang nilalampasan ng tingin ang aking kasalanan, kundi iniligtas Mo pa ako mula rito! Salamat sa Iyong pagpapatawad. naniniwala ako dito. Amen.

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

The Father Loves You By Pete Briscoe

Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://petebriscoe.org/