In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Anong ibig sabihin ng "Maundy"?
Nagsimula ang gabi ng pagdakip at paghatol kay Jesus ng mga Judio at Romano sa isang taunang pagkain sa paggunita ng Paskwa sa isang itaas na silid sa Jerusalem. Sinamantala ni Jesus ang mga ginintuang malayang sandaling iyon para magturo. Marami sa mga sinabi at ginawa niya ang gumulat sa mga alagad: yumukod siya at hinugasan ang kanilang mga paa, sinaad ang tungkol sa kamatayan at muling-pagkabuhay, at winikang: "Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo." (Juan 13:34).
Sa simula nang kanilang pagsasanay sinabi niyang ang tanda ng isang tunay na mananampalataya ay ang pagkapit sa Salita ng Diyos. Ngayo'y dinagdagan niya ng "bago" na hindi naman talaga bago subalit magpakailanman: "Ibigin ninyo ang isa't-isa." Bago ito dahil tayo'y likas na makasarili sa isip, salita at gawa. Gaya nang grasya ni Cristong sariwa bawat umaga, nagbibigay ng panibagong pagpapatawad, maari din nating piliing pakitunguhan ang iba gaya ng pakikitungo ni Cristo sa atin--matiyaga, matatag, lubos na pag-ibig.
Ito ang salitang Latin para sa "kautusan" "mandatum," na marahil ay ang pinanggalingan ng pangalan ng espesyal na Huwebes bago ang kamatayan ni Jesus. Sa pagninilay natin sa pambihirang gabing iyon at sa mga tagpo ng Kordero ng Diyos na kumakain ng Paskuwa kasama ang mga kaibigan, buong kababang-loob na hinihugasan ang kanilang mga paa, at inihahayag ang misteryo ng salita ng Diyos para sa kanilang kaginhawahan, tayo's lubos na inspirado. Inspiradong umibig.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Buhay Si Jesus!
