In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Ikaw ay mabubuhay rin!
Nais nating lahat ang katatagan sa ating mga buhay. Lahat tayo ay nagaasam na lahat ng bagay ay mananatiling kaparis, mananatiling mapayapa. Tayo ay natatakot sa mga biglaang pagbabago--natanggal sa trabaho, nagtitiis sa mga pinsala mula sa sakuna o sa isang aksidente, nakaratay sa ospital dahil sa isang sakit. Ang mas masalimuot--natatakot tayong mamuhay mag-isa sa isang nursing home, o dalhin sa isang hospisyo.
Dumating ang ikinatatakot ni Martha--huli nang dumating ang Tagapagaling na si Jesus upang iligtas ang kanilang kapatid na si Lazaro. "'Panginoon," wika ni Martha kay Jesus, 'kung kung kayo po ay narito, buhay pa sana ang kapatid ko' ... Sagot ni Jesus sa kanya, 'Muling mabubuhay ang iyong kapatid'" (Juan 11:21-23).
Ito marahil ay mga walang kabuluhang salita mula sa isang may taning na mortal sa isang kapwa mortal. Ngunit ang mga salitang iyon ay nagmula kay Jesus, ang Panginoon at Patnugot ng kasalanan, sakit, kamatayan, at impyerno. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan at awtoridad upang bawiin ang kamatayan. Kanyang ipinakita ang kapangyarihang iyon sa mismong mosoleo ni Lazaro sa pamamagitan na paguutos sa huli upang muling bumangon at mamuhay. Ang pagpapabalik sa namatay na taong iyong ay isa lamang demo kung ano pa ang kayang gawin ni Jesus noong mga panahong iyon.
Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang siyang pumapayapa ng ating mga pinakamalalalim na takot. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay isang garantiya ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan. Walang kondemnasyon para sa mga naniniwala kay Jesus. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay garantiya ng iyo. Siya ay nabuhay. At ikaw rin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Dayuhan Tayo Sa Mundo
