Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions

ARAW 12 NG 14

Immortal ka Natural sa mga tao na hindi pahalagahan ang mga importanteng bagay, diba? Kung nagmamaneho ka at bigla mong nakita ang pulang taillight sa harapan mo, hindi mo iniisip, "Gagana kaya ang law of friction sa pagkakataong ito?" Pumepreno ka lang. O sa paggising mo sa umaga, hindi mo iniisip, "Ito ba ang araw na ang gravitational pull ng mundo ay mawawala at lulutang ako sa space?" Naglalakad ka lang at nagaakalang ang mga paa mo ay mananatili sa lupa. Hindi natin nakagawiang pagisipan ang mga katotohanan sa daigdig na umaayos sa buhay natin. Subalit paano kaya kung hindi naganap ang Pasko ng Pagkabuhay? Kung hindi muling nabuhay si Cristo, ang lahat ng iniisip mo tungkol sa Cristianismo ay masisira at guguho, gaya ng isang gusali na walang pundasyon sa gitna ng isang unos. Kung si Cristo ay hindi nabuhay-muli, ang pinakanakakatakot na pangyayari ay ito: Ang mga kasalanan mo ay mananatili at ika'y parurusahan para dito. Silang mga nakatulog kay Cristo ay mapapahamak. Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao, wika ni Pablo. Subalit tingnan mo ito: Sabi ng Biblia, "Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay" (1 Mga Taga-Corinto 15:20). Si Cristo Jesus ang unang yugto ng muling pagkabuhay. Dahil nabuhay siyang muli sa kaluluwa at katawan, ikaw at ako ay immortal. Ang kanyang muling pagkabuhay ang katiyakan ng iyong kapatawaran. Ang kanyang muling pagkabuhay ang katiyakan ng sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org