Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions

ARAW 9 NG 14

Walang kasalanan Madaling kasuklaman ang mga Pariseo nuong panahon ni Jesus dahil sa kanilang makitid na pagiisip, makasariling paghuhusga sa iba, at ang kanilang kabulagan sa sariling kasalanan. Hindi mahirap kutyain ang mga disipulo ni Jesus sa pagiging mapurol ang isip sa pagunawa ng misyon at adyenda ni Jesus. Hindi mahirap sa panahong itong magmasid at makakita ng mga masasamang-tao. May nakikita ka bang masamang tao sa salamin? Pinako sa krus ng mga sundalong Romano si Cristo. Pinako sa krus ng kataas-taasang konseho ng mga Hudyo si Cristo. Pinako sa krus ng sistemang legal ng Romano, kasama si Pontio Pilato, si Cristo. Si Isaias man, at tayo din. “Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.Nagdanas siya ng hapdi at hirap.Wala man lang pumansin sa kanya.Binale-wala natin siya, na parang walang kabuluhan." (Isaias 53:3). Ito ay para sa lahat ng mga makakasalanan--at ito ay para sa atin---na kinailangang ipanganak si Jesus sa ating mundo, para mamuhay ng perpekto, at mamatay ng walang kasalanan. Ang kanyang sakripisyo ang nagbayad-dugo para sa atin. Ang kanyang kamatayan ang nagdulot sa Ama na magwikang "walang kasalanan" sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang sugat, tanging sa mga sugat lamang nya, na tayo ay pinagaling.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org